aNoTHeR SuRViVoR THouGHTS…

I just want to unleash the thoughts na umiikot ikot sa isipan ko.. this is regarding the Survivor Gabon recent episodes… to be exact the last 3 episodes…. ang lagent pumapasok sa utak ko ay… ” HUWAAAATTTTT???” I really don’t know kung coincidence or what pero 3 times in a row na ang naeeliminate sa Tribal Council ay depende sa “swing votes” . Una, Ace was eliminated dahil Sugar decided to join Crystal and Kenny in voting for him instead of voting against Ken with Ace and Matt… Then next is Susie when she decided to vote Marcus with Ken and Crystal instead of joining her former Kota tribemates Marcus and Bob… (Hurray!!!LOLS) and kanina lang napanuod ko is when Sugar decided to vote with Crystal, Ken, Matt at kasama si Susie against Charlie than voting with the other four Kota(Bob, Charlie, Corrine and Randy) voting laban kay Crystal… Actually, during the revelation ng votes ng mga swing voters… Nagdidiwang ang aking kamalayan, hekhek, obvious ba na may favorite… At eto pa ang malupet, sa last Immunity challenge, yung dalawang swing voters/underdogs (Susie and Sugar) ang naglaban lang talaga for the immunity, yung iba… di ko alam kung di talaga sila marunong gumawa ng fire o di nila sineryoso ang challenge… thinking since 1st episode gumagawa na sila ng fire using flint at steel…

Eight are left, kung tutuusin lamang na yung dating considered as Underdogs kesa sa mga Kota, if included dun si Sugar ah… Ok lang kahit every Friday kulang sa tulog dahil pinapanuod ang “VIA SATELLITE DAW” sa Q11… Basta mapanuod lang ang Survivor…

 

Bumabagabag na katanungan:

May maconvince kaya si Bob na totoo ang immunity idol na hawak niya??? Galing sa creativity ah.. compared dun sa ginawa ni Ozzy na fake immunity idol last Season na stick lang talaga na nilagyan ng happy face… ;)

Tags:

Friday, November 14th, 2008 Televesion No Comments

eNCouNTeR WiTH a FRieNDLY RoBoT….

Nagkrus ang landas namin nung may Gameboy pa ako, (kulay yellow pa yun ah, pangatlo kong gameboy yung unang dalawa kasi sinira ko..hekhek) Christmas season yata yun during year *cough* *cough*… As a Christmas gift ata, I was given a choice to buy 2 bagong bala ng Gameboy ko(actually ang choice ko sana is yung Forgot the number in 1.. oo yun yung may mga 8 games, tapos paulitulit lang yun, pinapaganda lang yung name para dumami)… I think yung iba kong bala nun is yung Super Mario Land 2: 6 Golden Coins…  Isa ay parang Fighting game.. di ko maalala yung title… At yung isa nga ay ang Megaman 5… I should say Rockman 5, Japanese version kasi… During that time, di ko pa siya kilala, kahit si Astroboy na parang kamag-anak niya, di ko pa din kilala..Di ko na rin maalala yung cover niya… Di ko na rin maalala kung anong stage ang natapos ko at kung kailan ko siya totally natapos, naaalala ko lang, ang mga name ng kalaban niya ay mga name ng Planets…; FYI: during that time, planet pa ang Pluto, ngayon is dwarf planet na di ba?? Then later nun, dumalas na ang encounter ko with the blue robot… nag hiram/swap kami ng cousin ko sa Rockman 4 niya for my Rockman 5, nalaro ko din during their 1 day dalaw sa province namin yung Rockman 1… yung 4 natapos ko, pero yung 1 hindi eh, nasa last stage na ata ako nun, nang napagisipan nilang umuwi na… After that, di ko na siya ulit nalaro, nasira na ulit ang Gameboy ko… at lumipas ang panahon…

 

Ang pagkrus ulit ng landas namin ay nung nasa high school na ko, i think 1st year ata ako nun… Ewan ko kung bakit that time lang, masunuring bata pa kasi ako nung Elementary pa ako, pagkatapos ng School uwi na… Well iba nung tumuntong ako sa High School.. nakilala ko that time si Playstation… Yung nakita ko dun is yung Megaman X4, iba na ang itsura ni Rockman dun, medyo nagmature tapos may kasama pa siyang naka-kulay pula na  mahaba buhok na may hawak na sword, yun pala si Zero… Ayun di nagtagal, nalaro ko ang larong ito, sa pinagbabawal na paraan, may ganun… Syempre una kong ginamit nun si Megaman, ganun pa rin itsura niya, pinagkaiba nga lang, meron na siyang Ultimate Armor form, syempre ako na ayaw pahirapan ang buhay, gumamit ng cheat para madali makuha ang Ultimate Armor, di nagtagal, natapos ko na siya… Ganun pa rin ang format, 8 pa rin ang kakaharapin na kalaban before the final enemy, di na nga lang si Dr. Willy ang pinakaboss, si Sigma na… Di ko alam kung ano ang hinanakit niya kay MEgaman at bakit niya ito kinalaban dun.. mainvestigate nga… Syempre sinubukan ko din dun yung partner niya, si Zero, ok sa alright, astig ang mga techniques with the swords, may thrill din ang pakikipagtunggali sa bosses dahil walang Buster na maganda for long distance… Di nagtagal, nairelease din ang Megaman X5 then X6…Kaya lang nung nirelease na ang X7.. di ko na nalaro, PS2 na kasi ang format… di ko na nilaro, siguro dahil di na kaya tustusan ng allowance ko ang paglalaro ng PS2…

Next Blog: Game feature…Megaman 1 to Megaman 5… Back to Gameboy World… V^_^V

 

Bumabagabag na katanungan…

Bakit magkaiba ang name ng bidang ito sa English at Japanese.. Megaman sa English tapos Rockman  sa Japanese… >_<

Tags: , ,

Wednesday, November 12th, 2008 Childhood 2 Comments

ReTuRN oF THe CoMeBaCK….

Ok umpisahan natin nung nagsimula ang araw ng dayoff ko, nanunuod ata ako nun ng DVD ng may tumawag, an officemate to inform me na after my dayoff, Wednesday, Nightshift na ang duty ko… Well I was informed na by our Supervisor about a week ago na I might move to Morning or Nightshift “temporarily”, kaya di naman ako nagulat… To confirm nga na babalik na ako sa Nightshift, tumawag yung Supervisor namin… Yun lang naman ang memorable dun sa dayoff na nangyari… Ala naman kasi ako ginagawa pag dayoff ko, di ako lumalabas ng bahay… literally, kanina lang ata ako lumabas para bumili ng sabong panlaba… hekhek… Ginagawa ko lang naman kung dayoff ko is mag-PSP, manuod ng TV (habang chinacharge ang PSP dahil sa empty bat) in form of local channel or DVD, matulog pag kinakailangan na talagang matulog, kumain and unfortunately napilitang maglaba kanina dahil nasense ko na baka maubusan ako ng isusuot since straight ang duty ko(luckily, magkasunod off ko, Monday at Tuesday)…

 

Well let’s focus dun sa topic talaga ng post na ito… After almost a month ko sa Midshift, binalik ako ng Nightshift “temporarily”… Kaya di ko maiwasang isipin yung mga advantages at disadvantages sa paglipat ko sa Nightshift at pag-alis sa Midshift….

 

Advantage: Walang traffic pag papasok, unlike nung nasa MIdshift pa ako na nagmamadali at nakikipagbunuan sa traffic papasok ng office, ngayon di na ako mabibiwisit at maiinip sa paghihintay sa pagusad ng trapiko… Disadvantage: Traffic naman pauwi… dahil na rin sa ang uwian namin ay pagpasok naman ng karamihan ng empleyado at estudyante…

Advantage: Makakakain na naman ako ng Jollibee mostly yung 39ers nila, meron na rin ulit Bazaar every Friday ng gabi… Disadvantage: For sure butas na naman ang bulsa ko nito at mapapagastos na naman ako, I will admit, mas nakakatipid ako in terms of foods sa Midshift kesa sa Nightshift… *cough* pagkain from miss jo *cough*…

Advantage: Wala masyadong tao, kayo kayo lang ng kashift mo ang nasa office… Disadvantage: Yun din, wala din masyadong tao, sa midshift kasi parang lahat ng shift naabutan mo, bago umuwi ang dawn at morning at ang pagdating ng Nightshift, I admit sa Nightshift naabutan ko din yung Dawn at Morning pero syempre pag sa midshift time kasi, mga 2 to 4, parang nandun yung energy ng 2 shifts, di mawawala ang kulitan at tawanan… hekhek…

Advantage: Mapapanuod ko na ng buo ang Survivor, every 3 pm sa Friday or 5:30 pm sa Saturday, di na yung sa Youtube na lang pinapanuod at nagsesearch sa web every Friday late noon or night to know kung sino ang navote out… Disadvantage: Makikipagrace against time na naman ako para makauwi ng Monday ng umaga para mapanuod ko ang The Amazing Race “via satellite” telecast nito pag 9 am na, magoorasyon na naman ako at magwiwish na sana maaga kaming makauwi every Monday Morning….

Advantage: I don’t know kung advantage ba talaga ang matulog ng umaga at gumising ng gabi… advantage ba yung pagkakaruon ng eyebag?? Disadvantage:panibagong adjustment sa sleeping schedule, kulang na naman na tulog, hirap matulog ng umaga, hirap gumising pag gabi…

 

Yan muna… di ko alam kung may idadagdag pa ako…

 

Bumabagabag na katanungan:

 

1. Ano ang reaksyon mo sa pagkapanalo ni Obama as President ng USA? wala lang gusto ko lang isingit… ako??? Ewan, siguro ako yung isa sa 3 in every 4 Pinoy ayon sa survey na wala masyado pakialam sa kahihinatnan ng election nila… :P

Tags: , , ,

Wednesday, November 5th, 2008 Uncategorized 2 Comments

SuMMoN NiGHT: SWoRDCRaFT SToRY…

 

Actually itong game na ito ay hindi ko alam kung paano at kailan napunta sa mga lists ng ROMs ko sa aking Emulator… Pero bago ko ito burahin, sinubukan ko muna laruin, hanggang sa ayun, natapos ko…

 

Pwede kang mamili kung anong gender ng character mo… Pero pareho din naman ang story, isa kang anak ng isang namayapang Craftslord at merong nalalapit na competition to search kung sino ang papalit sa kanya… Syempre ikaw yun… Pero dapat magumpisa ka sa pinakababa… maganda ito dahil step by step malalaman mo naman kung paano ito laruin at how it works… Ang pinagkaiba nito sa ibang games ay pwede kang mamili ng weapon na gusto mo: swords, axe, spear, knuckles or drill… Pwede mo rin imaster lahat at meron ding different types at elements… wind, water, electric and fire… Bukod sa elements meron ka ding partner na let us say spirit… katuwang mo siya sa paggawa mo ng weapon… you can choose between Kutty, Rasho, Sugar at Zantek,…. pero depende ang makukuha mong spirit sa isasagot mo sa summoner early of the game…

 

Kung susumahin there are 150+ types of weapons… To advance the game, dapat manalo sa tournament na ginaganap, pero along the way merong mga plot at subquests na dapat gawin… Right now natapos ko na yung kwento… Pero after ng credits, pwede mo pang ituloy ang laro to master and get the remaining weapons… Pero sadly medyo di ko na tinuloy dahil it really takes me time to complete the sets ng weapons… specially the elemental types.. pero para sa akin maganda ang game na ito… Pwede pang bata.. at sa mga batang isip katulad ko.. hekhek….

 

 

 

 

Bumabagabag na tanong:

1. Bakit ganun? Si Pratty at Sugar pinili ko… bakit attracted pa rin si Sugar kahit na alam niyang babae naman si Pratty..tsk tsk… tomboy???

Tags: ,

Sunday, November 2nd, 2008 Laro 2 Comments

HaPPY DeaD’S DaY..

Ayoko ang November 1, aaminin ko.. matatakutin ako, at alam ko sa panahong ito sikat ang manakot at ang mga nakakatakot na bagay bagay… lalo na sa tv. Pag ganitong panahon, lageng makikita natin sa mga sets ng shows, lalo na ang mga talk show, yung mga props sa likod nila, sa sets, madalas may mga bungo bungo, tapos merong mga spider webs, at meron pang mga jack o’ lanterns na kadalasan gawa sa plastics… speaking of jack o’ lanterns, ang pagkakaalam ko, di naman talaga ito kalabasa nun, turnip talaga daw ang ginagamit dito pero dahil sa matigas ang turnip at mahirap hiwa hiwain ito para magkaruon ng mukha, ginawa na itong kalabasa… di ko alam kung bakit kalabasa at di na lang ibang gulay… Ito rin yung mga time na yung mga palabas, may temang horror, kahit mga comedy show, meron pa ring temang horror. Naaalala ko nga dati, ayaw na ayaw ko nung manuod ng TV kapag sabado kung malapit na ang Undas, pano ba naman kasi, ang Palabas sa Magandang Gabi Bayan hosted by Noli De Castro nun, lageng mga kababalaghan at katatakutan ang tema, grabe, talagang gagawa ako ng paraan para di ko mapanuod yung halloween special nila… Buti nga ngayon di na ganun ang theme, mga tungkol na lang sa mga may kinalaman sa sementeryo, at kung meron mang mga kababalaghan, slight na lang na nakakatakot di tulad nuon na sobra sobra ang katatakutan, buti na nga lang at wala akong sakit sa puso dahil kung hindi, matagal na akong inatake sa takot…

Ayoko talaga ng mga katatakutan na palabas or movie na tema, di ko alam kung bakit ayaw kong manuod ng mga ganito, basta ang alam ko, pag mga horror na, iwas na ako agad… Yung The Ring nga na pinanuod namin dati sa bahay ng classmate ko nung highschool, ilang linggo akong di pinatulog, kasi dati sa may tapat ako ng TV sa sala namin natutulog, sinisilip silip ko lage at naiimagine na baka lumabas si Sadako sa TV… Kahit nga yung dating kumakalat na chain text or message sa e-mail or friendster na kung di ipapasa sa iba ay dadalawin ka nila… pasa ko agad ang mga ganito sa takot na baka dalawin nga nila ako, wala naman masama kung maniwala di ba… 

 

Anyway iba naman tayo ng part, sa panahon ding ito tayo dumadalaw sa sementeryo, para dalawin ang mga namayapa na… ako nuon, suki ako ng sementeryo pag November 1, lage akong bantay, kasi sa amin nun, parang nagiging mini reunion na rin ang November 1 sa sementeryo… Pag ganitong season din, 2 lang ang lageng naiisip kong mabenta, bulaklak at kandila… di ko alam kung bakit yang dalawang yan ang lageng mabenta sa ganitong time, iresearch ko nga nyan kung san nagmula ang ganitong tradisyon… Nagtanong tanong ako, actually isa lang yung tinanong ko, kilala mo na yun kung sino ka… Sabi niya yung kandila daw pampaswerte… Di ko alam pero parang mas lalo akong naguluhan.. hekhek… Maybe kaya may kandila ay para isymbolize na naalala natin sila.. yung flowers naman ay parang ganun din, yun ay ayon sa points of view ko ha… comment nga kayo kung ano ang pananaw niyo diyan…

Well natapos na din ang All Saint’s Day… Malamang mura na ulit niyan ang kandila at mga bulaklak…

 

Bumabagabag na katanungan:

1. Bakit lage may inuman pag October 31 o November 1 mismo?

2. Bakit ginagawang picnic area tuwing November 1 ang mga nitso? Sarado ba ang park pag ganitong panahon?

3. Bakit kasama lage ang mga fake na sapot pag gumagawa ng props sa halloween? Di naman panghorror si Spiderman, Gagamboy at ang bagong bagong Gagambino…

4. Bakit mahal ang kandila pag ganitong season.. Di naman nagbbrownout…

5. Bakit kailangang pagandahan ng bulaklak na nilalagay sa mga nitso?

6. San kaya lumilipat ang mga pamilyang tumitira sa Sementeryo kapag ganitong season?

7. Nanuod ka ba ng Imbestigador? Kadiri yung uod no? wala lang…

Tags: , ,

Saturday, November 1st, 2008 holiday 4 Comments

HaLLo…Weeeee!!!

Kwento ko na lang muna kung ano ang nangyari sa akin nung halloween, October 31…

Pero konting preview muna, nung October 30… Ang plano na lakad ay sa may Laffline… (diko sure ang spelling) di lang natuloy dahil di nila gusto yung guest nila…(di ko na sasabihin kung sino…) So ayun, napadpad sa iba… Pero ang alam ko din yung lakad namin, susunod kami dun sa pinuntahan nung ibang department… Celebration kasi ng B-day ata yun ng isa sa kanila… Pero di rin yata nagkaintindihan kaya di rin natuloy dun… (kinabukasan nabalitaan ko na pumunta pala sila sa office pagkaalis namin, nagbigay ng pagkain… sayang pero may natira naman, yung sinigang na ulo ulo daw… >_<) So ang kinalabasan, nagbukod na lang kami… To keep you, my madaming madaming readers(mga 3 ata kayo), informed, bale 7 kami, 2 na ibang shift,4 kami na magkakashift, isang friend ng kashift ko… Napadpad kami sa may Pioneer Center ata yun, malapit sa Crossing sa may Shaw at sa EDSA… di ko na sasabihin yung exact name ng bar di ko rin kasi matandaan, sensya na poor ang memory ko… Ayos ang place, maluwag ang labas, may videoke rooms din… Ang unang plano is sa may videoke room kami, pero may nakita kaming band sa labas..di ko ulit matandaan ang pangalan.. basta may banda… kaya dun na kami muna sa labas, trivia, nung nasa parang reception area kami, ang time ay exactly 00:00, kala ko sira ang clock nila pero di naman… order ng bulalo at sisig daw… pero tingin namin, Century Tuna ata yun na Afritada… syempre di mawawala ang drinks… isang bucket… ganun pala ang isang bucket… 6 ang laman na beer.. buti na lang at lights lang… wee, nasa “bucket” at may yelo… since 7 kami at 6 ang drinks, yung isa kong kasama, let us name her Ate J, umorder ng Isang di light na beer… yung kula pula… hekhek… ayun kinig sa band during kain/inom.. Tagal na rin nung last time na nakainom ako ng any type of liquor.. mga 1 and a half year na yung last time ata… actually di talaga ako umiinom, pero ewan ko, namiss ko siguro yung lasa or di naman siguro ganun kalakas ang tindi ng lights na beer kaya siguro naubos ko yung isang bote… ^_^… akala ko after ng isang bucket di na iinom, pero as usual mali na naman akala ko… kasi after nung band na pinapakinggan namin, napagdesisyunan na namin na pumunta na sa videoke room, well di rin ata namin nagustuhan ang sound ng sumunod na band… yun ang pagkakaalam ko ha… ayun kanta kanta na, unang kumanta si Ate J, di ko na maalala yung una niyang kinanta, right now tinanong ko siya kung ano yun, di niya rin maalala… basta alam ko next nun is Complicated ni Avril Lavigne… habang kumakanta, syempre order kami ulit ng isang bucket at Tokwa’t Baboy.. (grabe kapag food di ko makalimutan ang name)… Ang di ko pa rin malaman ang scientific explanation is kung ano ang rason kung bakit napapayag akong saluhin ang kinanta ng itatago na lang natin sa pangalang Jella(deep yet shallow sabi ni Ate J).. yung inumpisahan niyang “Beer” ng Itchyworms… di ko naman peborit yun pero napakanta pa rin ako.. hekhek… Ayun habang nagcoconcert ako napapaiyak na sa kakatawa at sumasakit na rin ang tyan ng itatago natin sa pangalang Miss Sisa.. (Single and Satisfied/Sariwa daw) sa kakatawa… After that unmemorable disaster concert… di ko na maalala ang sequence ng kanta pero ang naaalala ko lang ay kumanta si Miss Sisa ng All This Time at I Can.. Sayang irerecord pa man din ni Jella at si alyas Tagay, ayaw nga lang ni Miss Sisa… sayang ipopost ko pa man din dito.. tapos yung isa naming kasama, si The Singer (daw)… cinonquer ang room sa pagcoconcert, madami dami siyang kinanta, di ako familiar sa iba pero grabe, magaling… ayon sa aking source.. si Ate J, choir member daw si The Singer, memorable niyang kinanta is yung Flashdance… Si Tagay naman, kumanta ng 214, at inumpisahan din ang Beautiful in my Eyes… Si Jella, nag A Very Special Love… Yung friend ni Ate J, di man kumanta, pero ang memorable sa kanya ay sa pagaayos ng gamit, grabe, nagulat ako, pagkatapos kumain, inaayos na niya yung mga kinainan o ininuman, sabi nga namin baka gusto niya mag-apply sa bar… kakwentuhan din ni Miss Sisa nagumpisa nung nagconcert na si Ate J hanggang sa nagalalakad kami papuntang sakayan na… Ayun, kanta kanta lang hanggang sa iinform na kami ng isag crew na magsasara na sila, hekhek, 3 AM na kasi yung, at kami na lang ang customer… naglilinis na rin sila… Pero siyempre may last song pa… yun ay ang Dancing Queen… hekhek… Pagkatapos nun, uwian na.. Trivia… during kumakanta si The Singer ng Flashdance.. may time na sumasayaw si Ate J, tapos may ikot ikot na step, ayun may nasaging baso.. syempre may laman pa yun na beer, at syempre ang maswerteng natapunan sa pants ay ako.. hekhek… ayun habang kanta sila di nila alam pinapatuyo ko pants ko, hanggang medyas basa… :P at nung malapit na kaming umalis nakita kong may crack yung isang baso.. yun ata yung natabig.. hekhek…

Ayun uwian na pagkatapos nun, sila Ate J at friend, humiwalay na nung nasa EDSA na kami, the others sakay na ng bus pauwi, kami ni Tagay, bumaba ng Shaw… Sa Boni kasi kami napadpad sa paglalakad… tapos sakay jeep… tapos na…hekhek

Trivia ulit… Nagumpisa ang halloween ko, Oct 31 na naghahanap na nasa may videoke bar, may nakitang umiinom at may kumakanta, natapos ang araw ko, gabi na ng OCtober 31, habang naglalakad pauwi, may mga nagiinoman at nagvivideoke pa rin sa harap ng boarding house namin… what a coincidence… happy halloween to all na lang…

Bumabagabag na katanungang:

1. Bakit naimbento ang Videoke… pero next time ko na iimbestigahan to, plan ko gumawa ng blog tungkol dito sa videoke eh…hekhek….

Tags: ,

Saturday, November 1st, 2008 Uncategorized No Comments

HuH???

Minsan naiisip ko “what if, yung other choice ang ginawa ko sa past ang pinili ko instead yung pinili ko in reality… ano kaya ang naging kinahinatnan? san kaya ako napadpad…” Minsan or i might admit na merong mga ganyang moment ako… Kadalasan pag nagsesenti… Di ko alam kung bakit? Di ko alam kung nagreregret ako sa mga desisyon na nagawa ko, pero pag tumagal tagal naman, naiisip ko, di ko rin naman alam kung ano ang mangyayari sakin kung di ang choice na pinili ko sa reality ang pinili ko… Ewan ko ba, parang alternative, minsan kontento ako sa desisyon na ginawa ko, minsan naman naiisip ko na sana yung other choice na lang ang pinili ko… Nagets niyo ba? baka ako pag binasa ko ulit tong entry kong ito di ko maintindihan din…

 

Wala lang, gusto ko lang magsenti…

 

Bumabagabag na katanungan:

Masaya ka ba sa kinalalagyan mo ngayon? Kontento ka na ba??

Tags:

Friday, October 24th, 2008 Uncategorized 3 Comments

To Be a HeRo Na TuBeRo…

 

Tubero na may bigote na nakajumper na color red with matching red na cap… Sino ang unang pumapasok sa isip mo??? For sure alam mong isang fictional character ang maiisip mo.. Si Mario… Kung di mo kilala si Mario.. ay malungkot ang kabataan mo… From Family computer to Gameboy, at hanggang sa Wii, present siya… Matagal ko na rin itong kilalang itong Italyanong Tubero na ito, bata pa ako nun, sa pagkakaalala ko, nialalaro ko sa Gameboy ko nun ang bala nun yung Super Mario Land… Di ko na maalala yung exact plot at yung mga stages, pero alam ko na yung final stage, nasa parang airplane na si Mario… Ang plot kadalasan ng Super Mario ay simple lang naman… Kikidnappin si Princess Peach by Bowser, kamag-anak ni Pong Pagong na di gaanong friendly at hobby ang kidnappin si Princess Peach… Syempre to the rescue naman ang kumpare nating Tubero… ngayon nga iniimbestigahan ko kung meron ngang relasyon itong dalawang ito, right now, di pa clear ang sagot… Kung meron kayong sagot at proof, pakiinform naman ako sa status ng relationship nila…

 Mario vs. Bowser

 

Teka pano ba ako napunta sa ganitong Topic… actually medyo maganda ang day off ko, Day off ng Saturday, duty ng Sunday tapos day off na naman ng Monday at Tuesday…bakit? regular day off ko ay Monday at Saturday, then binago day off ko.. ginawang monday at tuesday, ang result, naging parang 3 day off ko na sunod sunod… Nung monday morning, habang nilalaro ko yung PSP ni “Mhar”, (hiniram ko ok???) Naisipan kong tapusin na yung game ko na sinave ko sa PSP niya na, yung Super Mario Bros. 3… (GBA edition ata yun, pero thanks sa GBA emulator, nalalaro ko siya…) Yun yung version ng Super Mario na may buntot si Mario, nakakalipad, at may charge pa ang takbo… Sa pagkakaalala ko, nalaro ko na ito nung bata pa ako sa family computer… Di ko nga lang natapos, pero now na nagkaruon ako ng chance na malaro ito, di ko na pinalampas, at nito ngang Monday, after a long time, (actually di ko na ito masyado nalalaro na todo kasi meron akong ibang nilalaro…) natapos ko din.. hekhek… natuwa akong panuorin yung credits, ala lang, kasi ang tagal na nung nakatapos ako ng Mario… hekhek…. wala lang share ko lang…

 

 

Mga bumabagabag na katanungan:

1. Anong klase ng halaman ang kinakain ni Mario para makagamit siya ng umaapoy na bala? Same species ba sila nung halaman na bumubuga din ng apoy na bilog na pasulpot sulpot sa ilang pipe? 

2. Vegetarian ba si Mario? Bakit Mushroom at Flower, in some case… carrot and even leaf, ang lagi niyang kinakain para lumaki/magkabala?

3. Bakit laging tumatalon yung star na pag kinuha ay nagiging invisible ka? Jumping star ba yun?

4. Bakit coins ang cinocollect ni Mario? Mukha ba siyang pera? Bakit di na lang iba’t ibang prutas tulad ng sa Adventure Island para coordinated naman sa mushroom or flower…Or di na lang heart para cool…

5. Bakit laging si Princess Peach ang kinikidnap ni Bowser? Siya lang ba ang nagiisang Princess sa place nila at bakit wala man lang security guard si Peach, kamaganak niya ba si Princess Sarah na pulubi??? Tanong ko na rin kung bakit di peach ang kulay ng damit niya?

6. Magkabreed ba yung Mushroom na kinakain ni Mario para lumaki at si Toad? Bakit di kinakain ni Mario si Toad???

7. Sino ang totoong bida? Si Mario o  Si Donkey Kong? Parang sa pagkakaalala ko na meron laro sa Family computer na bida si Mario na nililigtas niya yung Princess Peach din ata yun tapos meron namang Donkey Kong Jr, na kinidnap ata naman ni Mario si Donkey Kong at to the rescue si Donkey Kong Jr…

8. Nagkita na ba si Mario at Wario?? Balita ko doppleganger ni Mario si Wario…

9. Di na ba nagsasawa si Mario sa pagliligtas niya kay Princess Peach???

10. Anong sikretong ingredients meron ang Pampalaking Mushroom? Mayaman ba ito sa Calcium o Vitamin D kaya nasstretch siya once na nakakain ang maliit na Mario nito?

Tags: , ,

Thursday, October 23rd, 2008 Uncategorized 3 Comments

ouTWiT… ouTPLaY… ouTLaST…

 

Kung alam mo ang 3 words na yan, malamang alam mo din ang show kung saan gamit ang 3 words na yan… ang Survivor… Isa rin ito sa favorite kong Reality Show… N castaways, 39 days, 1 Survivor… yan lage tag line nyan next to the Title… Dito sa game na ito, kailangan mo lang gawin is to Outwit, Outplay and to Outlast lang naman… kalaban mo ay mga kalabang tribe at pagsapit ng merge, lahat na, kasama ang mga naging tribemate mo, dito ang kaalliance mo is kalaban mo, trust no one dahil your alliance might backstab you… Before the merge, kailangang mag-teamwork para manalo ng immunity para di mabawasan ang tribe, pag talo, good luck dahil kayo kayo din mismo ang magbobotohan laban sa isa’t isa, dito masusubukan kung matatag ang allience mo, dito masusubok ang trust mo sa mga kasama mo… In the end, di lang sapat ang manalo lagi sa immunity dahil in the end, yung mga naging katribe mo din, known as jury, ang magdedecide kung sino ang magiging sole survivor…

The 18 survivors of the current season of Survivor Gabon...nung malinis pa sila..hekhek

The 18 survivors of the current season of Survivor Gabon...nung malinis pa sila..hekhek

Right now, sa US version, Survivor Gabon is the 17th season… The first season, Survivor Borneo was first aired 2000… Actually ako yung Survivor: all star lang ang naabutan ko, di pa ako masyadong interested nun, nung Survivor: Guatemala (2005) lang talaga nagsimula ang interest ko dito sa reality show na to, pero may idea naman ako kung sino sina Rob and Amber, (i think sila pinakapopular na couple sa Survivor) na nagkakilala at nagkatuluyan sila in the All star season, sila din ang naging final two at sumali sa The Amazing Race 7( Nasa TAR: All star din sila pero sa 7th season 2nd place sila at natanggal medyo early sa All star… Hah!)…Balik tayo sa current season, right now (sa alam ko) sa Q11 pinapalabas ito every Friday, 2 PM Philippine time for the Via Satellite (kuno) na telecast, may relay tuwing Friday din ng 7 PM (ata, di ko sure dahil nasa work ako that time) at kinabukasan, Saturday every 5:30 PM… Well dati nung nasa nightshift pa ako, napapanuod ko to nung via satellite telecast pa lang, pero nung lumipat ako sa Midshift, yung Saturday telecast na lang napapanuod ko kasi during Friday telecast, nasa office ako…

Ang Kota... kumokota... picture nung nanalo ang Kota sa pinakarecent episode (reward challenge)

Ang Kota... kumokota... picture nung nanalo ang Kota sa pinakarecent episode (reward challenge)

This season di ko alam kung sino ang magiging bet ko, naaliw ako sa scene kung pano nakuha ni Sugar yung hidden immunity idol, pero gusto ko din either si Ken or Bob manalo, hekhek, bahala na, basta ako, aliw ako sa show na to…

 

Maliit na note: actually kanina ko lang nalaman kung ano talaga meaning ng Outwit, Outplay at Outlast… hekhek… di kami bestfriend ng vocabulary eh… :P

Tags: ,

Sunday, October 19th, 2008 Uncategorized 3 Comments

SuRVeY SuRVeYan…

Sino ba naman ang di nakaencounter ng ganito, madalas itong pinopost sa friendster, di ko nga alam kung sino ang nakaisip nito at sino ang inventor nito, bored siguro yung pinakaunang nagpost ng ganito, o di kaya ay nainspire siya sa Slam Book… well I hope with this “survey”, mas makilala niyo ako…

 

1. WHAT DO YOU LiKE DOiNG WHEN YOURE DEPRESSED?

- Tumahimik… Libangin ang sarili…

2. WHAT DO YOU WANT TO NAME YOUR FUTURE CHILD?

- I like to name kung girl…dapat my Chloe, kung twin na boy/girl… Dapat may Daniel at Danielle sa name.. :P

3. WHAT MAKES YOU NERVOUS?

- Pag pagdating pa lang sa office tapos maririnig mo ang line na “Albert…halika dito…”. Recitation….

4. WHAT MAKES YOU CRY?

- Stress, Depression (dapat pala nilagay ko sa 1), TV shows (pero FYI, di yung mga basta bastang teledrama…babaw lang ako madala sa scenes…:P)

5. WHAT’S YOUR MIDNIGHT SNACK?

- Nito wala na masyado, dahil dati dinner plus  na yung midnight snack ko nung nightshift ako, pero kung any chance, kahit anong available…

6. WHAT DO YOU THINK OF HOMOSEXUAL MARRIAGES?

-No comment…(play safe???!)

7. WHAT’S ONE THING YOU LOVE?

- Can’t tell right now which is the only one thing that I really love the most..

8. DESCRIBE YOUR MOM.

- Strict but I know that she love us…

9. MOST MEANINGFUL THING SOMEBODY SAID TO YOU?

- Errr… “I Love You” – S.S.

10. NUMBER OF OVERNIGHTS YOU’VE GONE TO?

- Di ko alam ang exact numbers, pero konti lang, pag makakatakas o makakalusot… :P

11. BEST GIFT YOU HAVE EVER RECEIVED?

- si EemjeI (handmade stuff toy made by special someone)… which is di ko na rin nakikita for a long while…

12. SHOW THAT MAKES YOU LAUGH.

- Ugly Betty, funny moments sa Amazing Race….

13. YOUR WISH WHEN YOU LAST BLEW A BIRTHDAY CANDLE?

- Dunno… maybe dahil sa di ko na maalala, di ko na maalala when was the last time na may b-day cake ako with candles…

14. DO YOU LIKE BUYING BRANDED CLOTHES?

- Nah… basta mukhang ok naman ang damit at comfortable ako, any brand will do.

15. DO YOU FOLLOW FASHION TRENDS?

- Ano ba in ngayon??? Hehe…

16. HAVE YOU EVER RAN AWAY?

- Huh? Ran away from what???

17. HAVE YOU EVER LITERALLY BEEN A SHOULDER TO CRY ON?

- Di ko maalala… wala pa yata

18. HAVE YOU EVER INTENTIONALLY IGNORED SOMEONE? FOR HOW LONG?

- Yah, I think for a Sem nung nagaaral pa ako… 5 months I think…

19. HAVE YOU EVER WENT ON A ROMANTIC DATE?

- Sus. Di pa…  

20. HAVE YOU EVER RECEIVED A LETTER? WHEN WAS THE FIRST TIME?

- Yah, well yung una kong nareceive is di love letter pero galling naman sa crush ko nung high school…:D

21. HAVE YOU EVER WRITTEN A LOVE LETTER? WHEN WAS THE FIRST TIME?

- Oo nung third year high school  ata ako nun, which is di ko rin naibigay, nalaman kong nakapagsulat ako nun nung 4th year ako, si Papa pa nakakita….

22. DO YOU THINK YOU’LL EVER GET CANCER?

- Maybe??? Only time can tell…

23. IF YOU DO GET CANCER AND HAVE ABOUT A MONTH TO LIVE, WHAT WOULD YOU DO?

- I want to spend that whole month with my special someone… Gusto ko 24/7 hours kami magkasama…

24. IF YOU COULD SPEND A WEEK ANYWHERE, WHERE WOULD YOU GO?

- A cruise, or a tour… Basta something that can take me sa iba’t ibang lugar…

25. IF YOU WROTE A BOOK, WHAT WOULD IT BE ABOUT?

- I don’t know, maybe my thoughts on different things… pero malamang di rin mabenta / mapublish dahil walang magkakainteres…

26. WHAT DO YOU THINK OF YOUR PAST?

- Unique…

27. WHERE DO YOU USUALLY GO SHOPPING?

- I don’t do shopping eh, kung meron man, kung saan mapadpad

28. HOW MUCH DID YOU SPEND YESTERDAY?

- PHP 164.50… yay ang gastos ko pala kahapon… >_<

29. DO YOU THINK THIS IS STUPID?

- Di naman, pero medyo weird lang kasi mga question, hekhek…

30. WHY DID U ANSWER?

- Wala kasi akong mapost sa blog eh, tsaka sabi ni Ma’am Jules, sagot ako? (actually address to four of us sa Midshift) at saka second time ko pa lang kasi atang sumagot ng ganito..

 31. DO YOU SPEAK OTHER LANGUAGES?

- Sus kung English yung other language than Tagalog/Filipino… OO naman…

32. WHAT’S UR IDEAL BOY/GIRL?

- Someone that can understand my very weird life…

33. Latest realization mo??

- It’s really best to look at the other side of the coin before judging…

34. Plans mo sa life mo?

- Have a simple yet happy life with Special Someone

35. Dapat gwin pg nalulungkot???

- Libangin ang sarili…

36. Pinakamahal na gift na nabigay mo???

- Di ko alam… book siguro worth PHP 200.00…

37. Motto mo about LOVE???

- Love is (really) blind.

38. Pinaka-matnding kalokohang ngawa mo sa school?

- Hindi pagpasok sa school sa matinding sikretong dahilan, di gumawa ng project dahil sa katamaran

39. Gusto mong itawag sa yo kung ikaw ang masusunod????

- Kahit ano, wag lang John or John2x…

40. Isang bagay na hinding hindi mo tatanggihan?

- Grasya…(in short, lahat ng ibigay sa akin…kahit ano )

41. Masayang libangan kapag umuulan?

- Sus, manuod ng TV/DVD, Maggames, Matulog…

42. Isang bagay na pinag iipunan mo nang husto?

- Di pwedeng ireveal dahil mawawala ang suspense… :P… Sana nga lang makaipon ako…

43. Gagawin mo sa susunod mong birthday?

- Magtago sa mga magpapalibre…

44. Hndi mo makayanan o matagalan na wala?

- Gagawin, di ako mapakali kung wala akong ginagawa, dapat gawing busy ang kokote…

45. Gusto mong panoorin sa sine?

- Ala ako maisip eh, walang time/budget din…  

46. Gusto mong isigaw ngayon, as in now na!?

- Day Off Ko Na Mamaya!!!

Tags:

Friday, October 17th, 2008 Uncategorized 3 Comments