KWENTO NG DAY OFF
Alamat ng Day Off
Noong unang panahon, mga 3 months ago na rin ang nakakalipas, nagkaruon ng pagpupulong sa kaharian ng opisina upang pagusapan ang isang napakaimportanteng bagay, ang “SCHEDULE OF DAY-OFF” ng bawat mamamayan ng shift namin. Tradisyon na yun sa kaharian na yun.. Every six months kailangang magpalit palit ng day-off, dating off ko ay Monday at Friday. Gusto ko tong mga araw ng pahinga na to, dahil ang alam ko, mas maraming trabaho sa ganitong mga araw *evil grin*. Nuong araw ng pagtitipon upang pagusapan nga ang schedule ng day off ay saktong day off ko kaya di ako nakapunta kaya ang mga nagduty na ang nagpasya ng aking dayoff… Nuong bumalik ako sa trabaho.. dun ko nalaman na ang bago kong day off ay Monday at Tuesday… Tapos napagalaman ko dapat isang weekday at isang weekend ang off ng iba, dapat kasama ako dun sa iba nay un pero dahil sa isang officemate ko na nagsabing di siya magduduty ng weekend kung di ako magduduty rin ng weekend, nagkaruon ng konting pagbabago ata.. yun ang alam ko… di ko na sasabihin kung sino yung officemate kong yun… *cough* Jomar *cough*.. kaya after ng pulong nila, napadpad ang off ko ng Monday at Tuesday…Well ang magkasunod na day off ay ok lang naman sakin, at least 2 days na magkasunod ang pahinga ko from work… Ang ayaw ko lang sa 2 magkasunod na day off ay 5 na araw din na sunod sunod ang duty ko… Lage kong theme song ang “Malayo pa ang umaga” pag nasa 3rd day ka na ng duty mo… Pero ok lang… at least makakapagday off ako ng bonggang bongga… hehe…
THE PARABLE OF DAY LIGHT SAVING
Daylight saving…. Nagstart to last Sunday, March 8, 2009… Nung nalaman ko to, naisip ko, Okay 12 hours na lang ulit ang lamang ng Philippines sa US, matapos ang isang minutong pagiisip ng magiging epekto nito sa buhay ko naisip ko wala naming effect yun, at least di na mag-memental subtraction ng one sa utak ko pag iniisip ko kung anong oras na sa New York… Yun ang akala ko…Lunes…. 03/09/09 before uwian, mga before 8 A.M… Ayos! Maagang natapos ang trabaho, maagang makakauwi, mapapanuod ko ang Via Satellite sa Studio 23 ng Amazing Race14, nagbudget pa ako ng pera.. PHP 40.00 ang pera ko nun, Actually PHP 20.00 lang naman ang kelangan ko, sakay lang ako ng FX, baba ng Rotonda(Pasig, wag nang magtanong kung paano naging Rotonda ang tawag nila dun) or sa Palengke… Naisip ko, para makauwi talaga ng maaga, baba na lang ako ng Rotonda tapos sakay ng tricycle… Problem nga lang ay kulang ako ng PHP 5.00 kaya namalimos muna ako
Yun nung pauwi mukhang okay naman, pauwi naman ako kaya di ako masyadong apektado ng traffic na for sure ay papunta sa kanilang mga pinagtratrabahuhan/pinapasukang eskwelahan (Minsan nga naiisip ko kaya hate ni Garfield ang Monday ay dahil sa Traffic…:D) So to make story short… Nakauwi naman ako mga bandang 8:30… bukas ng TV para imonitor/hintayin ang TAR sa 23.. pagbukas ko… WHAAAT??? Nagsisimula na ang TAR??? Since Via Satellite nga daw yung telecast ng 23… wala siyang commercial, as in tuloy tuloy hanggang matapos… Ayun, ang naabutan ko, kalahati na ata ng team ang nasa pitstop, syempre nagthink positive ako… Naisip ko baka 2-hour episode sila… pero nang matapos at wala naming sumunod na episode at nakita ko sa commercial after show na 8AM na ang telecast ng Amazing Race every Monday morning… Napakalaki ng epekto ng Day Light Saving sa buhay ko… >=/ November pa ulit magiging 13 hours ahead ang Pinas sa US… Inisip ko na lang…. Buti at may Primetime Telecast sila on Tuesday Night… Wish ko lang maalala ko at gising ako ng ganung oras… Ang siste pa man din… since sanay ako sa Nightshift, gising ako ng mga 1AM pag gabi… tulog ako ng tangghali ‘til night every day off ko… Madalas pa nga Late na ng Hapon/Gabi (mga before 8 ako natutulog pag day off ko kaya hirap din ako pag Wednesday na dahil puyat ako… nyahahaha) na ako natutulog.. Kaya ang naging ending… 2 hours lang ata ang tulog ko ng Tuesday… At least napanuod ko ang Amazing Race… Naging tulog ko??? 11:30 PM to 3 AM… then 7AM to 11 AM…7 hours… Problem is 7 hours na tulog then almost 24 hours na gising para sa Wednesday… Good Luck…
THE TAX REFUND, THE WOOD AND THE DENTIST
Tax Refund… Nung February ko pa ata naririnig na magkakaruon ng ganito… pero lage namomove ang pagayos ng accounting dahil na rin siguro sa busy sila… Sabi ng workmate/boardmate ko, this week, maidedeposit ito sa account namin, reaction ko?? Okei… then tuloy na naman ang gulong ng buhay at tulog ko, FYI: day off ko nun at kakatulog ko lang nung dumating ang workmate ko kaya di naman ako ganun kaexcited… Then a strange dream occurred… May umuuga daw akong ngipin at inuga ko to… Ayun natanggal… After that nagising na ako… Yun yung 3 AM sa taas na sinasabi ko… Naalala ko sabi nila, yung mga matatanda ba… May mamamatay daw pag ganun ang dream ng isang tao… At ang remedy, kumagat daw sa wood.. kaya ako naman syempre naisip ko Prevention is Better Than Cure… Kaya hanap ako agad ng wood, nakita ko yung mesa… Ayun kagat ako… Ay… bakit parang ang lamig at sobrang tigas… Duon ko nakita… May bakal siya sa paligid kaya yun ang nakagat ko… Kaya hanap ako ulit ng kahoy.. Wala akong Makita except na lang sa isa, yung pinto naming ay screen at kulay pink… OO pink… ewan ko, parang yun ang favorite color ng may ari ng boarding house namin… Pink na gate… Pink na pinto, pintura… well meron din naman ibang kulay… Violet na spiral na hagdanan at light blue na paint ng frame ng aparador naming built in na aparador na kulay pink… Ayun… sana epektib… Nag knock on wood narin ako, baka dumagdag sa pangontra… mga before magumaga habang nagPPSP ako, may nagtext sa phone ng boardmate ko, dahil sa curious ako, at alam kong di naman magagalit ang boardmate ko at syempre kung emergency yung text, magigising ko siya… Meron na raw Tax Refund… Cool, mukhang epektib ang Pangontra ko… By the way, meron dating dream interpretation booklet ang classmate ko nung highschool ako… Sabi dun kapag may kinalaman sa ngipin ang panaginip, kailangang magpatingin sa dentist… Natanggal na ngipin… Tax Refund… Mukhang di nagkataon, May tax refund para magpabunot ng ngipin??? Pwede…

Anong misteryo ang nagkukubli sa pink na cabinet???


Alamat ng Day Off
- well dapat lang alanga naman ako lang diba? hehe maganda naman mag duty pag weekend ah? nakakasama natin si ate lorie
hahaha
THE PARABLE OF DAY LIGHT SAVING
- wala naman to, ganun padin uwi natin, sana pwede mga 7am uwian na,
THE TAX REFUND, THE WOOD AND THE DENTIST
- kelan sahod? la na akong pera,
(
hindi ako makarelate… huhuhu!
paaano hindi pa naman ako nagwowork!
hakhak!
aral muna…
kaya nga naman lab na lab ko kayong dalawa eh maaasahan hehehe.
totoo nga po pag hiwalay day off masaya hehehe dati ako wed and sat tapos pag natataon na 5 araw sunod sunod pasok inip na inip na akong mag-off…
wahahaha yan din sabi ng mama ko tungkol sa naugang ngipin. one time napakagat na din ako sa kahoy. natakot ako…
nangyayari nga yan, ginugulo ang oras, pati buhay ng ahente nagugulo. nyahahaha.
Anyway, pwede po ba magrequest ng exlink? na add na kita sa blogroll ko. salamat