aNo DaW??? – aKo

Huwaw…. Ang tagal kong di nakapagpost ng entry sa aking site… Actually may time naman ako para makapagpost, maaaring dala na rin ng katamaran na magpost o katamaran na rin sigurong ipagpatuloy ang pagbblog… Ganito talaga ugali ko, ningas kugon… Pero nakapagpost ako kaya malamang somehow nagbago ako… Since ng last post ko, marami ring naganap sa buhay ko, nandyan yung nagdebut ko… Hard to admit but 21 na ako.. Dumaan ang Pasko.. New Year.. Maging ang Three Kings at Feast ng Nazarene… Natapos ko na din ang Final Fantasy I, Megaman I to VII (origins ha..) at MegamanX I to III… Malapit ko na ring matapos ang Chrono Trigger… Naiisip ko na lang ngayon, sa maikling panahon, madaming nangyari… Since di ko alam ang uunahin kong topic, post ko na lang yung unang naisip ko.. Err.. good luck sa pagbabasa ng pagsasalaysay ng talambuhay at konting pagsesenti…

 

2009 na pala… As others say, ang bilis ng panahon.. Tumigil ako sa calendar, inisip ko kung ano ang ginagawa ko exactly 1 year ago… Ang mga naaalala ko lang ay ang ilang pangyayari na naganap sakin nung 2008…

 

Nothing endures but change

-Heraclitus

 

January 2008…

Naaalala ko pa nung New Year ng 2008, nasa kama ako ng sinasalubong ko ito, well actually kakagising ko nun… Ginising lang ata ako para salubungin to ng gising, di ko talaga alam kung bakit gising ako… Lately ko lang nalaman na para daw swertehin yata.. di pa rin ako sure.. Di na talaga kami nagpapaputok nun pag New Year kaya hanggang nuod na lang ako sa bintana naming… Well I think dahil na rin sa pagtitipid… Ayoko din ng masyadong usok, kaya minsan ayoko ng New Year, puno ng usok ang paligid kapag lumabas… Naiisip ko… “kaawa-awang ozone layer…”. So para alam ko na New Year na talaga..(alam kong alam mo na kahit di pa talaga 12 midnight may mga sabik at excited ng magpaputok) nuod ako ng TV… Syempre yung dalawang “Big Stations” may mga TV specials para salubungin ang New Year… Countdown as they call it… Which I preferred to be called Variety Show sa Hating Gabi, parang Walang Tulugan ni Kuya Germs sa 7… Mas marami nga lang artista at may orasan sa gilid na nagsasabi ng oras… Sa panunuod ko ng mga palabas na yun na may dalawang oras pala sa Philippines… Paano ba naman, yung iasng istasyon, nagdidiwang na at nageenjoy na sa fireworks nila, yung isa naman nagcocount down pa lang… Ang cool di ba… Nagtapos or I should say nagumpisa ang araw ng Bagong Taon ko nun ng ordinayong araw lang… ^_^

 

Err.. enough of that too much detailed New Year’s Eve.. Last Year, ang favorite kong hobby ang humilata at ang trabaho ko nun ay ang tumambay… Err pero FYI, nag-apply naman ako ng trabaho nun… actually nagtratraining na ako nun sa isang err somehow sikat ng Franchise ng Internet Café sa Pilipinas.. Pero tingin ko di ko kakayanin yung trabahong yun kaya di ko na tinuloy, nakakahiya nga dahil di na ako pormal na nakapagpaalam sa kanila… Pero ang alam ko, exactly one year ago naman, nakaschedule ako for interview.. ng January 14… *ehem* yung company na yun ay kung saan ako nagtratrabaho now… :D

 

I really don’t know kung tama ba na tapusin ko muna ngayon ang post ko, kasi parang feeling ko, nagpost lang ako ngayon para lang makapaglagay ng bagong entry… Sa totoo lang, masyado kasing maraming thoughts na pumapasok sa kokote ko na alam kong lalo magpapalayo ang magpaparami ng mga thoughts ko sa buhay… Errr..paano ko ba ito tatapusin???

 

A year has past, it seems to be a short time compared sa 21 years na nilage ko sa mundong ibabaw, pero sa isang taon, kung tutuusin, napakaraming nangyari… maraming nagbago sa sakin.. at alam kong marami pang magbabago at marami pang mangyayari sa buhay ko… Well belated happy holidays…

 

 

MGa BaTaNG NaWaWaLa...

MGa BaTaNG NaWaWaLa...