readbud - get paid to read and rate articles

Archive for November, 2008

HaPPY BiRTHDaY… BoNiFaCio….

Panahon na ngayong dapat na lumitaw ang liwanag ng katotohanan; panahon nang dapat nating ipakilala na tayo’y may sariling pagdaramdam, may puri, may hiya at pagdadamayan.

 –Andres Bonifacio

 

Tapos na ang Thanksgiving… wala namang napakasignificant na nangyari… Wala akong nakita ni anino ng turkey nung araw na yun kaya kalimutan na natin ang araw na yun… Move on na tayo sa susunod na holiday na di kalayuan sa Thanksgiving ang petsa… ang Bonifacio Day… Actually di ako talaga masyadong interes sa holiday na ito, ngayon lang talaga dahil sa isang bumagabag na katanungan sakin? Ano ba ang cinecelebrate natin tuwing Bonifacio day? ang Birthday o ang Death niya??? Sa pagbabasa o I should say pagsesearch sa Internet, ang Pinagdiriwang natin tuwing November 30 (which is minove ng December 1, Monday, ng gobyerno to have a long weekend..hmm deja vu? :P ) ay ang kapanganakan ng tinaguriang “Father of the Philippine Revolution”, kung alam mo yun, bilib ako sayo, ako kasi naconfuse, pano ba naman ang tawag din sa December 30 ay Rizal Day which is kamatayan naman ni Rizal.. so don’t blame me.. Makasingit lang ng joke tungkol kay Rizal na umikot dati dito sa opisina na napakarelated sa work namin… Bawal ang maniwala sa mga aka-akala dahil si Rizal daw namatay sa akala, akala niya ipapasyal lang daw siya sa Luneta, yun pala, babarilin na siya… Alam kong corny kaya kung gusto mo ng pindutin ang back button o iclose ang window, go ahead at di kita pinipigilan :P

 

Well balik tayo sa Main Topic, ayon sa aking research, well actually isang site lang pinuntahan ko to get these info, ang Wikipedia…  Ang buong pangalan ni Ka Andres ay Andrés Bonifacio y de Castro, anak siya ng isang cabeza de barangay, Brgy. Captain ata ang tawag ngayon, si Santiago Bonifacio at ng isang mestisang Espanyol, si Catalina de Castro, November 30,1863 ang birthdate niya, kung nabubuhay siya ngayon…145 years old na siya, 7.25 na beses ang tanda niya sakin(ayan iopen na ang calculator para magcompute, tulungan na kita, ipress sa keyboard ang “Window Key”+”R” para lumabas ang “Run” tapos itype ang “calc” then enter para mapunta agad sa calculator, ganyan din ginawa ko para makuha yung 7.25)… Ayon sa nabasa ko sa wikipedia.. actually parang tinatagalog ko lang nakalagay sa page ni ka Andres sa wikipedia… Kaya lang medyo umiiral na namang ang katamaran ko kaya iwiwish ko na lang na mabasa to ng staff ng MMk at gawan siya ng episode…

 

Meron din palang issue itong si Ka Andres at si Aguinaldo, medyo nabasa ko na ito sa isang kwento nung 1st year high school lang ako pero medyo lately ko lang napatunayan na meron ngang totoo yung nabasa kong kwento nuon… ipapaste ko na lang ang nakalagay sa wikipedia dahil sa medyo nahihirapan akong mag-explain nito + katamaran.

 

Some analytical historians like Alejo Villanueva claim that what happened at Tejeros, Cavite was actually a coup de etat to wrest power from Bonifacio by the bourgeois or upper class represented by Aguinaldo. (Aguinaldo and members of his class enjoyed more privilege status even before the revolution. They would not allow a victorious president Bonifacio ordering land and wealth distribution as his first decree.) Hence, the Tejeros Convention was a farce intended to lure Bonifacio to the Caviteño territory. The presidential election wasn’t a national election at all. Participation in the election primarily came from Caviteños. The other provinces in revolt, such as Bulacan, Pampanga, Tarlac, Laguna, and Batangas, were not participants. Bonifacio, who was too fueled with idealism, was too naive to understand maneuvering politicians. Had Bonifacio been able to get back to Manila he could have charged Aguinaldo and other Caviteño officers with treason and Philippine history would have taken a very different track. Bonifacio was not allowed to get out of Cavite. He was summarily tried then executed promptly with his brother Procorpio Bonifacio at a mountain in Maragondon, Cavite for treason.

Recent photo ni Bonifacio na nakuha ko, kasama si Mabini.. Stolen Shot nga lang...

Recent photo ni Bonifacio na nakuha ko, kasama si Mabini.. Stolen Shot nga lang...

 Kung nasa Pinas ka, malamang araw araw mong nakikita si Ka Andres… naalala ko pa dati, nasa decagon siya, ka-back to back niya ang puno ng buko… tapos nung nagmigate, kasama si Rizal/Carabao, nilipat siya sa papel, may katabi nga lang, kasama niya sa Katipunan na si Apolinario Mabini… sa likod nila, simbahan.. tapos ngayon, kumikinang na sila ni Mabini.. katulad na nila sila Rizal at Aguinaldo na logo na ng BSP na… Pero sa pagkakaalam ko yung nauna ay nasa papel siya, solo, kulay blue yung kulay… di ko nga lang maipakita dahil wala akong makitang picture nun…

 

To end this blog, ishashare ko lang ang alam kong alam mo na ring mas popular na slogan/quote/joke kung saan kilala ang kagitingan ni Ka Andres… “Atapang a tao…. Di atakbo. Aputol a daliri… Di atakbo. Aputol a kamay… Di atakbo… (at kung ano ano pa ang napuputol pero di pa rin atakbo, depende sayo na nagjojoke kung hanggang kailan mo gusto patagalin at kung ano pa ang parte na gusto mong ipaputol) Apatak a kalamansi… Dun atakbo… *bow*

 

Bumabagabag na katanungan:

 1. Sa pangalan niya na sa Wikipedia… Andrés ang nakalagay na spelling… Sa research ko ang “é” daw ay pronounce dapat as “ay” like pay but shorter lang daw… dapat bang ibigkas ang pangalan niya as Andrays? (bigkasin na parang retarded)

2. Paano ginagawa ang 10-peso coin at ginto siya sa middle at pinaligiran ng silver… ano kayang ginagamit na pandikit?

3. Bakit wala ng 2-peso coin? Ganda pa man din pamato sa tatching ang decagon na coin…

4. Bakit isinama si Bonifacio sa pera with Mabini? Ano ang lihim ng kanilang pagsasama?

 

Mga Pahabol:

Binabalak ko talagang ipost ito ng November 30 kaya di ko natapos… Nanghinayang ako dahil late na ng 1 day ng ipost ko to, pero naisip ko.. Minove naman ang holiday ng December 1 kaya siguro ok lang na December 1 ko ito naipost… :P

 

Katakot...la lang, nakita ko lang yan kung saan saan.. ^_^V

Katakot...la lang, nakita ko lang yan kung saan saan.. ^_^V

6 comments - What do you think?  Posted by admin - November 30, 2008 at 1:31 pm

Categories: holiday   Tags: ,

SaLaMaT DaY…

Kapag patapos na ang buwan ng Nobyembre, bukod sa hinihintay na walang pasok dhail sa Bonifacio Day which is on November 30… Which is technically ginawang December 1 dito sa Philippines, dahil sa tumatapat ang November 30 ng Sunday, minove siya ng Monday ng Gobyerno para mahaba daw ang weekend… Well, sa case ko parang wala namang bearing dahil may pasok ako nyan (FYI: ang holiday naming Nightshift ay a day before the actual official/considered holiday.. which means November 30 ang holiday namin) double pay naman *evilgrin*. Buti na lang at dayoff ko lage ng Monday… hehe… So balik tayo sa main topic.. ang Thanksgiving, actually pag naririnig ko ito, ang unang pumapasok sa isip ko ay Turkey.. DI ko alam basta pag naririnig ko ang Thanksgiving automatic na pumapasok sa isip ko ang Turkey.. tinatamad nga lang ako na iresearch kung ano ang rason at relevance ng Turkey sa Thanksgiving…

 

So dahil sa medyo tinatamad ako, copy paste ko na lang ang mga nakita ko na infos about thanksgiving…. ayon sa Wikipedia…

 

Thanksgiving, or Thanksgiving Day, celebrated on the fourth Thursday in November, at the end of the harvest season, is an annual American Federal holiday to express thanks for one’s material and spiritual possessions.

 

Most people celebrate by gathering at home with family or friends for a holiday feast. Though the holiday’s origins can be traced to harvest festivals which have been celebrated in many cultures since ancient times, the American holiday has religious undertones related to the deliverance of the English settlers by Native Americans after the brutal winter at Plymouth, Massachusetts.

 

 

 

 

 

Yung ibang details di ko na binasa dahil nga sa medyo tinatamad ako :P

 

And para mapahaba ko pa ang walang sigla at tinatamad na buhay ng blogger ang post niya, niresearch na rin niya ang pagsabi ng Thank you sa iba’t ibang lenggwahe…

 

·  Afrikaans (Africa) – Dankie

·  Albanian – Faleminderit

·  Arabic – Sukran

·  Arabic – Shukran Gazillan (Thank you very much)

·  Armenian – shur-nur-ah-gah-lem

·  Australian – Thoinks, Moite!

·  Basque Country (between France and Spain) – Eskerrik asko (Thank you very much)

·  Bengali – Dhannyabad

·  Bulgarian – Blagodaria

·  Bosnia – Hvala

·  Burma(Myanmar)  – Jae Zu Din Pa De (Thank you)

·  Cameroon (Duala) – Na som (thanks)

·  Cameroon (Duala) – Na som djita (Thank you very much)

·  Cantonese – M’goy (sp? — thank you for the service)

·  Cantonese – Do jey (sp? — thank you for the gift)

·  Catalonia (catalan) – gràcies [grah'-si-es] estandard

·  Catalonia (catalan) – moltes gràcies [many thanks]

·  Catalonia (catalan) – merci [mer'-si] very colloquial

·  Cherokee Nation – Wado (Thank you)

·  Cherokee (Eastern) – Skee (Thank you)

·  Chinese (Mandarin) – Xie_Xie (shieh shieh)

·  Chinese (Cantonese) Mh goi (m-ghoh-ee) (informal: thanks)

·  Chinese (Cantonese) Do jeh (tou yeh) (formal: thanks)

·  Cook Islander – Kia Manuia

·  Croatia – Hvala

·  Czech – Dekuji (deh’-ku-yih)

·  Danish – tak (tahg)

·  Dutch – dank U wel (dahnk you well) (formal: thank you very much)

·  Dutch – bedankt / dank je wel (dahnk ye well) (informal: thanks) – WEL is ‘good’, like “I wish you well”

·  Dutch – Dank U zeer / duizend maal dank (thank you VERY much) – a superlative and used when you get stuck in a thunderstorm, then lost, mugged, robbed, etc. And someone helps you. Only then. ZEER is ‘very’. JE and U are ‘you’, but informal and formal. (still alive in old english like in ‘ye olde’). “Duizend maal” means a ‘thousand times’.

·  Dutch – hartelijk dank (thanks from the heart) Another formal form used in contexts like: “thanks for coming/inviting” (to a wedding, birthday party) or when receiving a formal present.

·  English – Thanks awfully, old boy

·  Esperanto – Dankon (thank you)

·  Esperanto – Dankegon (thank you very much)
Estonia – Aitäh

·  Ewe Togo (Africa) – Akpé (Appé)

·  Ewe Togo (Africa) – Apké na wo (Thanks to you)

·  Fijian – Vinaka

·  Fijiab – Vinaka vaka levu (Thank you very much)

·  Finnish – kiitos (kee’-toas)

·  Fon Benin (Africa) -  Kpè nu wé

·  French – merci (mehr-see’)

·  French – Merci Madame – Thanks (to a woman)

·  French – Merci Mademoiselle – Thanks (to a young girl)

·  French – Merci Monsieur – Thanks (to a man)

·  F.Y.R.O.M. (Macedonia) – Hvala

·  Gambia (Mandinka) – Abarka

·  Georgia(Sakartvelo) – madlobt (thank you)

·  Georgia(Sakartvelo) – didi madloba (thank you very much)

·  German – Danke (dahn’-kuh)

·  German – Danke schoen (literally: nicely thank you, outdated)

·  German – Danke sehr (Thank you very much)

·  German -Vielen Dank (Many Thanks)

·  Greek – Efharisto (ef-har-ris-tou’)

·  Greek – Efkaristo poly

·  Guarani – Aguije (ah-we-JAY) native indian language of Paraguay and Western Brazil

·  Guinea (Mandinka) – Abarka

·  Gujarathi (India) – Aabar

·  Hawaiian – Mahalo

·  Hebrew – Toda (toh-dah’)

·  Hebrew – Toda raba (thank you very much)

·  Hindi (India National Language) – Dhanyavaad

·  Hindi – Shukriyaa

·  Hungarian – Köszönöm (kuh’-suh-nuhm)

·  Icelandic – Þakka þér fyrir

·  Icelandic – Takk (informal)

·  Indonesian – Terima kasih (teh-ri-mah kah-sih)

·  Indonesian  – Terima Kasih Banjak/Banyak (Both pronounced bunyuk – Thank you very much)

·  Iran (Persia) – Moteshakeram (formal)

·  Iran (Persia) – Merci (informal – just like french but r in this word is pronounced as /r/ )

·  Irish – Go raibh maith agat ( Thank you  “Go – Rev – Mah – Agut”) (literally, may you have good things)

·  Irish – Go raibh mile maith agat ( Thank you very much “Go – Rev – Meela – Mah – Agut”) (literally, may you have a thousand good things)

·  Irish (Northern) – Nice one bro’r, or Cheers mucker!

·  Italian – Grazie (grahts’-yeh)

·  Italian – Grazie tanto (many thanks – cordial version)

·  Italian – Mille Grazie (a thousand thanks)

·  Japanese – Arigato (ah-ree-gah’-toh) or A_Ree_Ga_Tou_Go_Zai_Ma_Su

·  Japanese – Domo arrigato

·  Javanese – Matur nuwun

·  Jive – Thanks mon – Appropriate only if directed to a male

·  Kannada (India) – Dhan-ya-vaadaa (spoken in S India, in Bangalore, the Silicon Valley of India.)

·  Konkani (West coast – Konkan coast of India – It also is the state official language of Goa) – Dev boren koru (thank you – literally means ” May God do good to you” as that is the way we thank people. )

·  Korean – Kamsa hamaida (kam’-sah hum-nee-dah’ )

·  Latvian – Paldies

·  Lithuanian – Achu

·  Luganda (Uganda) – Waybale (Thank you)

·  Luganda (Uganda) – Waybale Nyo (Thank you very much)

·  Malayalam (South Indian Language) – Nandi

·  Malayalam (India) – Nani

·  Malaysian – Terima Kasih (“Tay ree ma Kaa seh”)

·  Mali (Mandinka) – Abarka

·  Mandinka – Abarka (language of West Africa; The Gambia, Senegal, Guinea and Mali)

·  Maori – Kia Manuia

·  Nepali — (Nepal National Language) – Dhan-ya-vaad

·  New Zealand – Cheers – LOL

·  New Zealand – Kiaora Koe (NZ Maori)

·  New Zealand – Kiaora Korua (NZ Maori)

·  New Zealand – Kiaora Koto (NZ Maori)

·  New Zealand – Kiaora Tatou (NZ Maori)

·  Nigeria (Hausa) -  Na gode

·  Norwegian – Takk (tahkk)

·  Oman – Shakkran

·  Palauan – soolong (Republic of Palau)

·  Paraguay (Guarani) – Aguije (ah-we-JAY)

·  Persian/Farsi – Mam’noon or Mo’teshake’ram (Spoken in Iran, Afghanistan and other Central Asian countries)

·  Philippines Tagalog – Salamat

·  Philippines – Maraming Salamat (thank you very much)

·  Polish – Dziekuje (dsyehn-koo-yeh)

·  Portuguese – Obrigada (Female)

·  Portuguese – Obrigado (Male) (oh-bree-gah’-doh)

·  Portuguese – Muito Obrigado (Thank you very much)

·  Portuguese – Muito Obrigado com Voce (have my personal thanks)

·  Punjabi [ Pakistan and India] – Bhala Hove

·  Qatar – Shakkran

·  Romanian – Multumesc (phonetic: mooltzoomeask)

·  Romanian – Va multumim frumos (great thanks)

·  Russian – Spasiba (spah-see’-boh)

·  Russian – Blagodaryu (a little official)

·  Russian – Premnogo blagodaren (my greater thanks – words said to bosses by workers)

·  Russian – Spasibo balshoye (big thanks)

·  Samoan – Fa’afetai (fah-ah-feh-ta-e – thank you)

·  Samoan – Fa’afetai tele lava (Thank you very much)

·  Samoan – Talofa

·  Saulteaux Indians (Manitoba, Canada) – Miigwech (meegweech) — there are similar spellings in other native languages such as Cree, etc.

·  Scottish – Cheers

·  Scot’s Gaelic (Informal) – Tapadh Leat (tah-puh let)

·  Scot’s Gaelic (Formal) –   Tapadh Leibh  (tah-puh lave)

·  Scot’s Gaelic (Many Thanks) – Moran Taing

·  Senegal (Mandinka) – Abarka

·  Serbo – Croat -Hvala

·  Slovakia – Dakujem (deh’-ku-yem)

·  South Africa – Dankie (“Dung-Key”)

·  South Africa – Baie Dankie (thanks very much – “Buyer Dung-Key”)

·  Spanish – Gracias (grah’-syas)

·  Spanish – Gracias a todos (Thank you all)

·  Spanish – Muchas gracias (thank you very much, literally: many thanks) While Dutch people scarcely use the superlative forms, the Spanish don’t use the minimalistic forms much (mostly in informal context). In Spanish, when a flyer is shoved into your hands, its worth a ‘gracias’, you normally use ‘muchas gracias’.

·  Spanish – Muchisimas gracias (thank you VERY much) – to someone who was useful to you.

·  Spanish – un millón de gracias (a million thanks) – for when someone saves your life.

·  Spanish (Latin America, informal) – Te pasastes. (informal)

·  Spanish (Latin America, informal) – Se pasó. (formal) Which means “You went over the line”, or “thanks for going out of your way to help me”. When used, it will get you a smile, guaranteed.

·  Sundanese – Nuhun

·  Sunda – Hatur Nuhun

·  Swahili – Ahsante (ah-sahn’-teh)

·  Swahili – Ahsante Sana (Thank you very much)

·  Swedish – Tack (tahkk)

·  Swedish – Tack så mycket

·  Tahitian – Maururu

·  Tamil (India) – Nandri (“Nun-dry” spoken in South India, Singapore, Malaysia)

·  Teenager –

·  Telungu (South Indian Language)- Manjuthe

·  Thai – Khob Khun Kha (Feminine)

·  Thai – Khob Khun Krab (Masculine)

·  Thai – Khop Khun Mak (Thank you very much)

·  Thai – Khop Khun Mak Kha (Feminine)

·  Thai – Khob Khun Mak Krab (Masculine)

·  Thai – Khob Pra Khun Kha (Formal feminine)

·  Thai – Khob Pra Khun Krab (Formal masculine)

·  Tibetan – Thuk Ji Chhe

·  Turkish – Tesekkurler ( teh-sheh-keur eh-deh-rim)

·  Turkish – Çok tesekkur ederim (big thanks)

·  Turkish – Saðol (thank you)

·  Turkish – Saðolun (thank you – “saol”)

·  Turkish – Tesekkurler (thanks – “teshekkyurler”)

·  U.S. & Canada – Thank You

·  United States (South) – Thanks y’all

·  Ukranian – Dyakuyu

·  Urudu (India) – Shukria

·  Urudu (India) – Bahut Bahut Shukriyaa

·  Urdu [Pakistan, India and Bangla Desh] – Maherbani

·  Urdu (Pakistan) – Shukria

·  Urdu (Pakistan) -Bahut Shukria ( Thank you very much)

·  Urdu (Pakistan) – Bahut Bahut Shukria ( Thank you very very much)

·  Uzbekistan (Uzbek) – Rahmat (Thanks)

·  Uzbekistan (Uzbek) – Katta Rahmat (Thanks a lot)

·  Vietnamese – Kam ouen

·  Wales/Cymru – Diloch yn fawr (thank you very much)

·  Wales/Cymru – Diolch (thanks)

·  Xhosa (Africa) – Nkosi

·  Yemen – Shakkran

·  Yiddish – A dank

·  Yiddish – Yasher Koach (KOY-ACH)

·  Yoruba – Modupe

·  Yugoslavia – Hvala

·  Zulu – Ngiyabonga

 

 So to end this boring/kakatamad na blog, allow me to thank you sa pagtyatyaga ng pagbasa ng cinopy paste na post… Salamat din sa blessings na narereceive ko within this year, thank you din sa mga unfortunate events na nangyayari sakin that make me wiser… And salamat sa life…. ^_^V

 

Bumabagabag na katanungan:

1. Bakit kaya ako tinatamad ngayon? :P

2.  Bakit may pasok ngayong Thanksgiving? :P

4 comments - What do you think?  Posted by admin - November 27, 2008 at 5:00 pm

Categories: holiday   Tags: ,

I HaTe MeGa MaN. He RuiNS eVeRYTHiNG…. -DR. WiLY

whew.. ang tagal na rin nung last post ko… Medyo busy kasi sa work…. ^_^

Actually month(s) na rin yata ang nakalipas since ng natapos ko ang Megaman 1 to 5 using an gameboy emulator sa hinihiram na PSP… as I said in my post na eNCouNTeR WiTH a FRieNDLY RoBoT…. Matagal na talagang panahon since natapos ko for the first time ang Megaman V…

 

Kung tutuusin parang same lang naman ang plot in every series ng game from 1-5, actually from 1-3 ata walang scenes before start ng game, parang kwento ba. Sa may 4 at 5 lang yung may scene, at sa sobrang swerte ko, Japanese ang language kaya di ko rin maintindihan ang conversation nila Dr. Light at ni Megaman before the start of the game… Basta play it parang naglalaro ka ng Super Mario, get to the end ng stage ng buhay… So ganito ang format ng gameplay, merong isang set, consisting of 4 stages with different bosses. In the end ng each stage, naghihintay yung boss for that stage, after you beat that boss, may maacquire kang new weapon, weapon usually na ginamit ng natalo mong boss… And the trick is, ang ibang boss enemy ay may weakness din na weapon from the other boss, e.g. Toadman is weak in Ringman’s Ring Boomerang, Ringman’s weakness is Pharaohman’s Pharaoh Shot, Pharaohman’s weakness is Brightman’s Flash Stopper and Brightman’s weakness is Toadman’s Rain Flush… At merong mga case na may nakukuha ka pang well i don’t consider as weapon pero makakatulong sa you in your jouney such as Rush’s Rush Jet, Rush Coil at Rush Marine. And along the way meron din naman nagbibigay sayo ng tulong in terms of giving you energy/weapon/both restorer, Eddie and Protoman…

Kung natalo mo na ang walong stages ng bosses, it is time for you to face the creator nila, si Dr. Wily, sa Megaman IV at V, during the last stage, makakalaban mo ulit yung 8 bosses na tinalo mo bago mo makalaban si Dr. Wily..Oh at meron din always 9th robot na considered na rin na boss, like in Megaman V, si Earth… After mo matalo si Wily, may scene to be watched yung chase nila Megaman and Wily, at ang pinakahuli lage na line is Thank you for Playing… Hinihintay ko nga kung ibabalik niya ako sa Title Screen o may Extra Scene or New Game+ pero wala eh… kailangang ireset o patayin na ^_^V

In my own opinion mas madali laruin yung Megaman III onwards dahil sa Megaman I and II, di pa nakakapagcharge ng Megabuster ang kaibigan nating robot… which is either mas maganda dahil mas may thrill…

Upon researching sa web… di pala sa Gameboy nagsimula ang Megaman series, sa NES pala… *evilgrin* nahanap ko din sila… Siguro lalaruin ko na yung First Megaman series pag natapos ko ng laruin yung nilalaro ko ngayong GBA games, yung One Piece at Final Fantasy VI, pineperfect ko pa kasi kaya natagalan ^_^V

 

“Dr. Light said I could learn much from fighting”

- Megaman’s line in Marvel Vs. Capcom

Bumabagabag na katanungan:

1. Bakit kaya wala si Roll from Megaman I to V???

2. Bakit di close si Tango at Rush? Dahil kaya sa si Tango ay Robot na cat at si Rush ay aso naman??

3 comments - What do you think?  Posted by admin - November 23, 2008 at 1:34 pm

Categories: Laro   Tags: ,

aNoTHeR SuRViVoR THouGHTS…

I just want to unleash the thoughts na umiikot ikot sa isipan ko.. this is regarding the Survivor Gabon recent episodes… to be exact the last 3 episodes…. ang lagent pumapasok sa utak ko ay… ” HUWAAAATTTTT???” I really don’t know kung coincidence or what pero 3 times in a row na ang naeeliminate sa Tribal Council ay depende sa “swing votes” . Una, Ace was eliminated dahil Sugar decided to join Crystal and Kenny in voting for him instead of voting against Ken with Ace and Matt… Then next is Susie when she decided to vote Marcus with Ken and Crystal instead of joining her former Kota tribemates Marcus and Bob… (Hurray!!!LOLS) and kanina lang napanuod ko is when Sugar decided to vote with Crystal, Ken, Matt at kasama si Susie against Charlie than voting with the other four Kota(Bob, Charlie, Corrine and Randy) voting laban kay Crystal… Actually, during the revelation ng votes ng mga swing voters… Nagdidiwang ang aking kamalayan, hekhek, obvious ba na may favorite… At eto pa ang malupet, sa last Immunity challenge, yung dalawang swing voters/underdogs (Susie and Sugar) ang naglaban lang talaga for the immunity, yung iba… di ko alam kung di talaga sila marunong gumawa ng fire o di nila sineryoso ang challenge… thinking since 1st episode gumagawa na sila ng fire using flint at steel…

Eight are left, kung tutuusin lamang na yung dating considered as Underdogs kesa sa mga Kota, if included dun si Sugar ah… Ok lang kahit every Friday kulang sa tulog dahil pinapanuod ang “VIA SATELLITE DAW” sa Q11… Basta mapanuod lang ang Survivor…

 

Bumabagabag na katanungan:

May maconvince kaya si Bob na totoo ang immunity idol na hawak niya??? Galing sa creativity ah.. compared dun sa ginawa ni Ozzy na fake immunity idol last Season na stick lang talaga na nilagyan ng happy face… ;)

1 comment - What do you think?  Posted by admin - November 14, 2008 at 1:38 pm

Categories: Televesion   Tags:

eNCouNTeR WiTH a FRieNDLY RoBoT….

Nagkrus ang landas namin nung may Gameboy pa ako, (kulay yellow pa yun ah, pangatlo kong gameboy yung unang dalawa kasi sinira ko..hekhek) Christmas season yata yun during year *cough* *cough*… As a Christmas gift ata, I was given a choice to buy 2 bagong bala ng Gameboy ko(actually ang choice ko sana is yung Forgot the number in 1.. oo yun yung may mga 8 games, tapos paulitulit lang yun, pinapaganda lang yung name para dumami)… I think yung iba kong bala nun is yung Super Mario Land 2: 6 Golden Coins…  Isa ay parang Fighting game.. di ko maalala yung title… At yung isa nga ay ang Megaman 5… I should say Rockman 5, Japanese version kasi… During that time, di ko pa siya kilala, kahit si Astroboy na parang kamag-anak niya, di ko pa din kilala..Di ko na rin maalala yung cover niya… Di ko na rin maalala kung anong stage ang natapos ko at kung kailan ko siya totally natapos, naaalala ko lang, ang mga name ng kalaban niya ay mga name ng Planets…; FYI: during that time, planet pa ang Pluto, ngayon is dwarf planet na di ba?? Then later nun, dumalas na ang encounter ko with the blue robot… nag hiram/swap kami ng cousin ko sa Rockman 4 niya for my Rockman 5, nalaro ko din during their 1 day dalaw sa province namin yung Rockman 1… yung 4 natapos ko, pero yung 1 hindi eh, nasa last stage na ata ako nun, nang napagisipan nilang umuwi na… After that, di ko na siya ulit nalaro, nasira na ulit ang Gameboy ko… at lumipas ang panahon…

 

Ang pagkrus ulit ng landas namin ay nung nasa high school na ko, i think 1st year ata ako nun… Ewan ko kung bakit that time lang, masunuring bata pa kasi ako nung Elementary pa ako, pagkatapos ng School uwi na… Well iba nung tumuntong ako sa High School.. nakilala ko that time si Playstation… Yung nakita ko dun is yung Megaman X4, iba na ang itsura ni Rockman dun, medyo nagmature tapos may kasama pa siyang naka-kulay pula na  mahaba buhok na may hawak na sword, yun pala si Zero… Ayun di nagtagal, nalaro ko ang larong ito, sa pinagbabawal na paraan, may ganun… Syempre una kong ginamit nun si Megaman, ganun pa rin itsura niya, pinagkaiba nga lang, meron na siyang Ultimate Armor form, syempre ako na ayaw pahirapan ang buhay, gumamit ng cheat para madali makuha ang Ultimate Armor, di nagtagal, natapos ko na siya… Ganun pa rin ang format, 8 pa rin ang kakaharapin na kalaban before the final enemy, di na nga lang si Dr. Willy ang pinakaboss, si Sigma na… Di ko alam kung ano ang hinanakit niya kay MEgaman at bakit niya ito kinalaban dun.. mainvestigate nga… Syempre sinubukan ko din dun yung partner niya, si Zero, ok sa alright, astig ang mga techniques with the swords, may thrill din ang pakikipagtunggali sa bosses dahil walang Buster na maganda for long distance… Di nagtagal, nairelease din ang Megaman X5 then X6…Kaya lang nung nirelease na ang X7.. di ko na nalaro, PS2 na kasi ang format… di ko na nilaro, siguro dahil di na kaya tustusan ng allowance ko ang paglalaro ng PS2…

Next Blog: Game feature…Megaman 1 to Megaman 5… Back to Gameboy World… V^_^V

 

Bumabagabag na katanungan…

Bakit magkaiba ang name ng bidang ito sa English at Japanese.. Megaman sa English tapos Rockman  sa Japanese… >_<

2 comments - What do you think?  Posted by admin - November 12, 2008 at 5:15 pm

Categories: Childhood   Tags: , ,

ReTuRN oF THe CoMeBaCK….

Ok umpisahan natin nung nagsimula ang araw ng dayoff ko, nanunuod ata ako nun ng DVD ng may tumawag, an officemate to inform me na after my dayoff, Wednesday, Nightshift na ang duty ko… Well I was informed na by our Supervisor about a week ago na I might move to Morning or Nightshift “temporarily”, kaya di naman ako nagulat… To confirm nga na babalik na ako sa Nightshift, tumawag yung Supervisor namin… Yun lang naman ang memorable dun sa dayoff na nangyari… Ala naman kasi ako ginagawa pag dayoff ko, di ako lumalabas ng bahay… literally, kanina lang ata ako lumabas para bumili ng sabong panlaba… hekhek… Ginagawa ko lang naman kung dayoff ko is mag-PSP, manuod ng TV (habang chinacharge ang PSP dahil sa empty bat) in form of local channel or DVD, matulog pag kinakailangan na talagang matulog, kumain and unfortunately napilitang maglaba kanina dahil nasense ko na baka maubusan ako ng isusuot since straight ang duty ko(luckily, magkasunod off ko, Monday at Tuesday)…

 

Well let’s focus dun sa topic talaga ng post na ito… After almost a month ko sa Midshift, binalik ako ng Nightshift “temporarily”… Kaya di ko maiwasang isipin yung mga advantages at disadvantages sa paglipat ko sa Nightshift at pag-alis sa Midshift….

 

Advantage: Walang traffic pag papasok, unlike nung nasa MIdshift pa ako na nagmamadali at nakikipagbunuan sa traffic papasok ng office, ngayon di na ako mabibiwisit at maiinip sa paghihintay sa pagusad ng trapiko… Disadvantage: Traffic naman pauwi… dahil na rin sa ang uwian namin ay pagpasok naman ng karamihan ng empleyado at estudyante…

Advantage: Makakakain na naman ako ng Jollibee mostly yung 39ers nila, meron na rin ulit Bazaar every Friday ng gabi… Disadvantage: For sure butas na naman ang bulsa ko nito at mapapagastos na naman ako, I will admit, mas nakakatipid ako in terms of foods sa Midshift kesa sa Nightshift… *cough* pagkain from miss jo *cough*…

Advantage: Wala masyadong tao, kayo kayo lang ng kashift mo ang nasa office… Disadvantage: Yun din, wala din masyadong tao, sa midshift kasi parang lahat ng shift naabutan mo, bago umuwi ang dawn at morning at ang pagdating ng Nightshift, I admit sa Nightshift naabutan ko din yung Dawn at Morning pero syempre pag sa midshift time kasi, mga 2 to 4, parang nandun yung energy ng 2 shifts, di mawawala ang kulitan at tawanan… hekhek…

Advantage: Mapapanuod ko na ng buo ang Survivor, every 3 pm sa Friday or 5:30 pm sa Saturday, di na yung sa Youtube na lang pinapanuod at nagsesearch sa web every Friday late noon or night to know kung sino ang navote out… Disadvantage: Makikipagrace against time na naman ako para makauwi ng Monday ng umaga para mapanuod ko ang The Amazing Race “via satellite” telecast nito pag 9 am na, magoorasyon na naman ako at magwiwish na sana maaga kaming makauwi every Monday Morning….

Advantage: I don’t know kung advantage ba talaga ang matulog ng umaga at gumising ng gabi… advantage ba yung pagkakaruon ng eyebag?? Disadvantage:panibagong adjustment sa sleeping schedule, kulang na naman na tulog, hirap matulog ng umaga, hirap gumising pag gabi…

 

Yan muna… di ko alam kung may idadagdag pa ako…

 

Bumabagabag na katanungan:

 

1. Ano ang reaksyon mo sa pagkapanalo ni Obama as President ng USA? wala lang gusto ko lang isingit… ako??? Ewan, siguro ako yung isa sa 3 in every 4 Pinoy ayon sa survey na wala masyado pakialam sa kahihinatnan ng election nila… :P

2 comments - What do you think?  Posted by admin - November 5, 2008 at 6:07 pm

Categories: Uncategorized   Tags: , , ,

SuMMoN NiGHT: SWoRDCRaFT SToRY…

 

Actually itong game na ito ay hindi ko alam kung paano at kailan napunta sa mga lists ng ROMs ko sa aking Emulator… Pero bago ko ito burahin, sinubukan ko muna laruin, hanggang sa ayun, natapos ko…

 

Pwede kang mamili kung anong gender ng character mo… Pero pareho din naman ang story, isa kang anak ng isang namayapang Craftslord at merong nalalapit na competition to search kung sino ang papalit sa kanya… Syempre ikaw yun… Pero dapat magumpisa ka sa pinakababa… maganda ito dahil step by step malalaman mo naman kung paano ito laruin at how it works… Ang pinagkaiba nito sa ibang games ay pwede kang mamili ng weapon na gusto mo: swords, axe, spear, knuckles or drill… Pwede mo rin imaster lahat at meron ding different types at elements… wind, water, electric and fire… Bukod sa elements meron ka ding partner na let us say spirit… katuwang mo siya sa paggawa mo ng weapon… you can choose between Kutty, Rasho, Sugar at Zantek,…. pero depende ang makukuha mong spirit sa isasagot mo sa summoner early of the game…

 

Kung susumahin there are 150+ types of weapons… To advance the game, dapat manalo sa tournament na ginaganap, pero along the way merong mga plot at subquests na dapat gawin… Right now natapos ko na yung kwento… Pero after ng credits, pwede mo pang ituloy ang laro to master and get the remaining weapons… Pero sadly medyo di ko na tinuloy dahil it really takes me time to complete the sets ng weapons… specially the elemental types.. pero para sa akin maganda ang game na ito… Pwede pang bata.. at sa mga batang isip katulad ko.. hekhek….

 

 

 

 

Bumabagabag na tanong:

1. Bakit ganun? Si Pratty at Sugar pinili ko… bakit attracted pa rin si Sugar kahit na alam niyang babae naman si Pratty..tsk tsk… tomboy???

2 comments - What do you think?  Posted by admin - November 2, 2008 at 7:52 am

Categories: Laro   Tags: ,

HaPPY DeaD’S DaY..

Ayoko ang November 1, aaminin ko.. matatakutin ako, at alam ko sa panahong ito sikat ang manakot at ang mga nakakatakot na bagay bagay… lalo na sa tv. Pag ganitong panahon, lageng makikita natin sa mga sets ng shows, lalo na ang mga talk show, yung mga props sa likod nila, sa sets, madalas may mga bungo bungo, tapos merong mga spider webs, at meron pang mga jack o’ lanterns na kadalasan gawa sa plastics… speaking of jack o’ lanterns, ang pagkakaalam ko, di naman talaga ito kalabasa nun, turnip talaga daw ang ginagamit dito pero dahil sa matigas ang turnip at mahirap hiwa hiwain ito para magkaruon ng mukha, ginawa na itong kalabasa… di ko alam kung bakit kalabasa at di na lang ibang gulay… Ito rin yung mga time na yung mga palabas, may temang horror, kahit mga comedy show, meron pa ring temang horror. Naaalala ko nga dati, ayaw na ayaw ko nung manuod ng TV kapag sabado kung malapit na ang Undas, pano ba naman kasi, ang Palabas sa Magandang Gabi Bayan hosted by Noli De Castro nun, lageng mga kababalaghan at katatakutan ang tema, grabe, talagang gagawa ako ng paraan para di ko mapanuod yung halloween special nila… Buti nga ngayon di na ganun ang theme, mga tungkol na lang sa mga may kinalaman sa sementeryo, at kung meron mang mga kababalaghan, slight na lang na nakakatakot di tulad nuon na sobra sobra ang katatakutan, buti na nga lang at wala akong sakit sa puso dahil kung hindi, matagal na akong inatake sa takot…

Ayoko talaga ng mga katatakutan na palabas or movie na tema, di ko alam kung bakit ayaw kong manuod ng mga ganito, basta ang alam ko, pag mga horror na, iwas na ako agad… Yung The Ring nga na pinanuod namin dati sa bahay ng classmate ko nung highschool, ilang linggo akong di pinatulog, kasi dati sa may tapat ako ng TV sa sala namin natutulog, sinisilip silip ko lage at naiimagine na baka lumabas si Sadako sa TV… Kahit nga yung dating kumakalat na chain text or message sa e-mail or friendster na kung di ipapasa sa iba ay dadalawin ka nila… pasa ko agad ang mga ganito sa takot na baka dalawin nga nila ako, wala naman masama kung maniwala di ba… 

 

Anyway iba naman tayo ng part, sa panahon ding ito tayo dumadalaw sa sementeryo, para dalawin ang mga namayapa na… ako nuon, suki ako ng sementeryo pag November 1, lage akong bantay, kasi sa amin nun, parang nagiging mini reunion na rin ang November 1 sa sementeryo… Pag ganitong season din, 2 lang ang lageng naiisip kong mabenta, bulaklak at kandila… di ko alam kung bakit yang dalawang yan ang lageng mabenta sa ganitong time, iresearch ko nga nyan kung san nagmula ang ganitong tradisyon… Nagtanong tanong ako, actually isa lang yung tinanong ko, kilala mo na yun kung sino ka… Sabi niya yung kandila daw pampaswerte… Di ko alam pero parang mas lalo akong naguluhan.. hekhek… Maybe kaya may kandila ay para isymbolize na naalala natin sila.. yung flowers naman ay parang ganun din, yun ay ayon sa points of view ko ha… comment nga kayo kung ano ang pananaw niyo diyan…

Well natapos na din ang All Saint’s Day… Malamang mura na ulit niyan ang kandila at mga bulaklak…

 

Bumabagabag na katanungan:

1. Bakit lage may inuman pag October 31 o November 1 mismo?

2. Bakit ginagawang picnic area tuwing November 1 ang mga nitso? Sarado ba ang park pag ganitong panahon?

3. Bakit kasama lage ang mga fake na sapot pag gumagawa ng props sa halloween? Di naman panghorror si Spiderman, Gagamboy at ang bagong bagong Gagambino…

4. Bakit mahal ang kandila pag ganitong season.. Di naman nagbbrownout…

5. Bakit kailangang pagandahan ng bulaklak na nilalagay sa mga nitso?

6. San kaya lumilipat ang mga pamilyang tumitira sa Sementeryo kapag ganitong season?

7. Nanuod ka ba ng Imbestigador? Kadiri yung uod no? wala lang…

4 comments - What do you think?  Posted by admin - November 1, 2008 at 10:52 am

Categories: holiday   Tags: , ,

HaLLo…Weeeee!!!

Kwento ko na lang muna kung ano ang nangyari sa akin nung halloween, October 31…

Pero konting preview muna, nung October 30… Ang plano na lakad ay sa may Laffline… (diko sure ang spelling) di lang natuloy dahil di nila gusto yung guest nila…(di ko na sasabihin kung sino…) So ayun, napadpad sa iba… Pero ang alam ko din yung lakad namin, susunod kami dun sa pinuntahan nung ibang department… Celebration kasi ng B-day ata yun ng isa sa kanila… Pero di rin yata nagkaintindihan kaya di rin natuloy dun… (kinabukasan nabalitaan ko na pumunta pala sila sa office pagkaalis namin, nagbigay ng pagkain… sayang pero may natira naman, yung sinigang na ulo ulo daw… >_<) So ang kinalabasan, nagbukod na lang kami… To keep you, my madaming madaming readers(mga 3 ata kayo), informed, bale 7 kami, 2 na ibang shift,4 kami na magkakashift, isang friend ng kashift ko… Napadpad kami sa may Pioneer Center ata yun, malapit sa Crossing sa may Shaw at sa EDSA… di ko na sasabihin yung exact name ng bar di ko rin kasi matandaan, sensya na poor ang memory ko… Ayos ang place, maluwag ang labas, may videoke rooms din… Ang unang plano is sa may videoke room kami, pero may nakita kaming band sa labas..di ko ulit matandaan ang pangalan.. basta may banda… kaya dun na kami muna sa labas, trivia, nung nasa parang reception area kami, ang time ay exactly 00:00, kala ko sira ang clock nila pero di naman… order ng bulalo at sisig daw… pero tingin namin, Century Tuna ata yun na Afritada… syempre di mawawala ang drinks… isang bucket… ganun pala ang isang bucket… 6 ang laman na beer.. buti na lang at lights lang… wee, nasa “bucket” at may yelo… since 7 kami at 6 ang drinks, yung isa kong kasama, let us name her Ate J, umorder ng Isang di light na beer… yung kula pula… hekhek… ayun kinig sa band during kain/inom.. Tagal na rin nung last time na nakainom ako ng any type of liquor.. mga 1 and a half year na yung last time ata… actually di talaga ako umiinom, pero ewan ko, namiss ko siguro yung lasa or di naman siguro ganun kalakas ang tindi ng lights na beer kaya siguro naubos ko yung isang bote… ^_^… akala ko after ng isang bucket di na iinom, pero as usual mali na naman akala ko… kasi after nung band na pinapakinggan namin, napagdesisyunan na namin na pumunta na sa videoke room, well di rin ata namin nagustuhan ang sound ng sumunod na band… yun ang pagkakaalam ko ha… ayun kanta kanta na, unang kumanta si Ate J, di ko na maalala yung una niyang kinanta, right now tinanong ko siya kung ano yun, di niya rin maalala… basta alam ko next nun is Complicated ni Avril Lavigne… habang kumakanta, syempre order kami ulit ng isang bucket at Tokwa’t Baboy.. (grabe kapag food di ko makalimutan ang name)… Ang di ko pa rin malaman ang scientific explanation is kung ano ang rason kung bakit napapayag akong saluhin ang kinanta ng itatago na lang natin sa pangalang Jella(deep yet shallow sabi ni Ate J).. yung inumpisahan niyang “Beer” ng Itchyworms… di ko naman peborit yun pero napakanta pa rin ako.. hekhek… Ayun habang nagcoconcert ako napapaiyak na sa kakatawa at sumasakit na rin ang tyan ng itatago natin sa pangalang Miss Sisa.. (Single and Satisfied/Sariwa daw) sa kakatawa… After that unmemorable disaster concert… di ko na maalala ang sequence ng kanta pero ang naaalala ko lang ay kumanta si Miss Sisa ng All This Time at I Can.. Sayang irerecord pa man din ni Jella at si alyas Tagay, ayaw nga lang ni Miss Sisa… sayang ipopost ko pa man din dito.. tapos yung isa naming kasama, si The Singer (daw)… cinonquer ang room sa pagcoconcert, madami dami siyang kinanta, di ako familiar sa iba pero grabe, magaling… ayon sa aking source.. si Ate J, choir member daw si The Singer, memorable niyang kinanta is yung Flashdance… Si Tagay naman, kumanta ng 214, at inumpisahan din ang Beautiful in my Eyes… Si Jella, nag A Very Special Love… Yung friend ni Ate J, di man kumanta, pero ang memorable sa kanya ay sa pagaayos ng gamit, grabe, nagulat ako, pagkatapos kumain, inaayos na niya yung mga kinainan o ininuman, sabi nga namin baka gusto niya mag-apply sa bar… kakwentuhan din ni Miss Sisa nagumpisa nung nagconcert na si Ate J hanggang sa nagalalakad kami papuntang sakayan na… Ayun, kanta kanta lang hanggang sa iinform na kami ng isag crew na magsasara na sila, hekhek, 3 AM na kasi yung, at kami na lang ang customer… naglilinis na rin sila… Pero siyempre may last song pa… yun ay ang Dancing Queen… hekhek… Pagkatapos nun, uwian na.. Trivia… during kumakanta si The Singer ng Flashdance.. may time na sumasayaw si Ate J, tapos may ikot ikot na step, ayun may nasaging baso.. syempre may laman pa yun na beer, at syempre ang maswerteng natapunan sa pants ay ako.. hekhek… ayun habang kanta sila di nila alam pinapatuyo ko pants ko, hanggang medyas basa… :P at nung malapit na kaming umalis nakita kong may crack yung isang baso.. yun ata yung natabig.. hekhek…

Ayun uwian na pagkatapos nun, sila Ate J at friend, humiwalay na nung nasa EDSA na kami, the others sakay na ng bus pauwi, kami ni Tagay, bumaba ng Shaw… Sa Boni kasi kami napadpad sa paglalakad… tapos sakay jeep… tapos na…hekhek

Trivia ulit… Nagumpisa ang halloween ko, Oct 31 na naghahanap na nasa may videoke bar, may nakitang umiinom at may kumakanta, natapos ang araw ko, gabi na ng OCtober 31, habang naglalakad pauwi, may mga nagiinoman at nagvivideoke pa rin sa harap ng boarding house namin… what a coincidence… happy halloween to all na lang…

Bumabagabag na katanungang:

1. Bakit naimbento ang Videoke… pero next time ko na iimbestigahan to, plan ko gumawa ng blog tungkol dito sa videoke eh…hekhek….

Be the first to comment - What do you think?  Posted by admin - at 9:48 am

Categories: Uncategorized   Tags: ,