HuH???
Minsan naiisip ko “what if, yung other choice ang ginawa ko sa past ang pinili ko instead yung pinili ko in reality… ano kaya ang naging kinahinatnan? san kaya ako napadpad…” Minsan or i might admit na merong mga ganyang moment ako… Kadalasan pag nagsesenti… Di ko alam kung bakit? Di ko alam kung nagreregret ako sa mga desisyon na nagawa ko, pero pag tumagal tagal naman, naiisip ko, di ko rin naman alam kung ano ang mangyayari sakin kung di ang choice na pinili ko sa reality ang pinili ko… Ewan ko ba, parang alternative, minsan kontento ako sa desisyon na ginawa ko, minsan naman naiisip ko na sana yung other choice na lang ang pinili ko… Nagets niyo ba? baka ako pag binasa ko ulit tong entry kong ito di ko maintindihan din…
Wala lang, gusto ko lang magsenti…
Bumabagabag na katanungan:
Masaya ka ba sa kinalalagyan mo ngayon? Kontento ka na ba??
Categories: Uncategorized Tags: senti
To Be a HeRo Na TuBeRo…
Tubero na may bigote na nakajumper na color red with matching red na cap… Sino ang unang pumapasok sa isip mo??? For sure alam mong isang fictional character ang maiisip mo.. Si Mario… Kung di mo kilala si Mario.. ay malungkot ang kabataan mo… From Family computer to Gameboy, at hanggang sa Wii, present siya… Matagal ko na rin itong kilalang itong Italyanong Tubero na ito, bata pa ako nun, sa pagkakaalala ko, nialalaro ko sa Gameboy ko nun ang bala nun yung Super Mario Land… Di ko na maalala yung exact plot at yung mga stages, pero alam ko na yung final stage, nasa parang airplane na si Mario… Ang plot kadalasan ng Super Mario ay simple lang naman… Kikidnappin si Princess Peach by Bowser, kamag-anak ni Pong Pagong na di gaanong friendly at hobby ang kidnappin si Princess Peach… Syempre to the rescue naman ang kumpare nating Tubero… ngayon nga iniimbestigahan ko kung meron ngang relasyon itong dalawang ito, right now, di pa clear ang sagot… Kung meron kayong sagot at proof, pakiinform naman ako sa status ng relationship nila…
Teka pano ba ako napunta sa ganitong Topic… actually medyo maganda ang day off ko, Day off ng Saturday, duty ng Sunday tapos day off na naman ng Monday at Tuesday…bakit? regular day off ko ay Monday at Saturday, then binago day off ko.. ginawang monday at tuesday, ang result, naging parang 3 day off ko na sunod sunod… Nung monday morning, habang nilalaro ko yung PSP ni “Mhar”, (hiniram ko ok???) Naisipan kong tapusin na yung game ko na sinave ko sa PSP niya na, yung Super Mario Bros. 3… (GBA edition ata yun, pero thanks sa GBA emulator, nalalaro ko siya…) Yun yung version ng Super Mario na may buntot si Mario, nakakalipad, at may charge pa ang takbo… Sa pagkakaalala ko, nalaro ko na ito nung bata pa ako sa family computer… Di ko nga lang natapos, pero now na nagkaruon ako ng chance na malaro ito, di ko na pinalampas, at nito ngang Monday, after a long time, (actually di ko na ito masyado nalalaro na todo kasi meron akong ibang nilalaro…) natapos ko din.. hekhek… natuwa akong panuorin yung credits, ala lang, kasi ang tagal na nung nakatapos ako ng Mario… hekhek…. wala lang share ko lang…
Mga bumabagabag na katanungan:
1. Anong klase ng halaman ang kinakain ni Mario para makagamit siya ng umaapoy na bala? Same species ba sila nung halaman na bumubuga din ng apoy na bilog na pasulpot sulpot sa ilang pipe?
2. Vegetarian ba si Mario? Bakit Mushroom at Flower, in some case… carrot and even leaf, ang lagi niyang kinakain para lumaki/magkabala?
3. Bakit laging tumatalon yung star na pag kinuha ay nagiging invisible ka? Jumping star ba yun?
4. Bakit coins ang cinocollect ni Mario? Mukha ba siyang pera? Bakit di na lang iba’t ibang prutas tulad ng sa Adventure Island para coordinated naman sa mushroom or flower…Or di na lang heart para cool…
5. Bakit laging si Princess Peach ang kinikidnap ni Bowser? Siya lang ba ang nagiisang Princess sa place nila at bakit wala man lang security guard si Peach, kamaganak niya ba si Princess Sarah na pulubi??? Tanong ko na rin kung bakit di peach ang kulay ng damit niya?
6. Magkabreed ba yung Mushroom na kinakain ni Mario para lumaki at si Toad? Bakit di kinakain ni Mario si Toad???
7. Sino ang totoong bida? Si Mario o Si Donkey Kong? Parang sa pagkakaalala ko na meron laro sa Family computer na bida si Mario na nililigtas niya yung Princess Peach din ata yun tapos meron namang Donkey Kong Jr, na kinidnap ata naman ni Mario si Donkey Kong at to the rescue si Donkey Kong Jr…
8. Nagkita na ba si Mario at Wario?? Balita ko doppleganger ni Mario si Wario…
9. Di na ba nagsasawa si Mario sa pagliligtas niya kay Princess Peach???
10. Anong sikretong ingredients meron ang Pampalaking Mushroom? Mayaman ba ito sa Calcium o Vitamin D kaya nasstretch siya once na nakakain ang maliit na Mario nito?
Categories: Uncategorized Tags: day off, games, mario
ouTWiT… ouTPLaY… ouTLaST…
Kung alam mo ang 3 words na yan, malamang alam mo din ang show kung saan gamit ang 3 words na yan… ang Survivor… Isa rin ito sa favorite kong Reality Show… N castaways, 39 days, 1 Survivor… yan lage tag line nyan next to the Title… Dito sa game na ito, kailangan mo lang gawin is to Outwit, Outplay and to Outlast lang naman… kalaban mo ay mga kalabang tribe at pagsapit ng merge, lahat na, kasama ang mga naging tribemate mo, dito ang kaalliance mo is kalaban mo, trust no one dahil your alliance might backstab you… Before the merge, kailangang mag-teamwork para manalo ng immunity para di mabawasan ang tribe, pag talo, good luck dahil kayo kayo din mismo ang magbobotohan laban sa isa’t isa, dito masusubukan kung matatag ang allience mo, dito masusubok ang trust mo sa mga kasama mo… In the end, di lang sapat ang manalo lagi sa immunity dahil in the end, yung mga naging katribe mo din, known as jury, ang magdedecide kung sino ang magiging sole survivor…
Right now, sa US version, Survivor Gabon is the 17th season… The first season, Survivor Borneo was first aired 2000… Actually ako yung Survivor: all star lang ang naabutan ko, di pa ako masyadong interested nun, nung Survivor: Guatemala (2005) lang talaga nagsimula ang interest ko dito sa reality show na to, pero may idea naman ako kung sino sina Rob and Amber, (i think sila pinakapopular na couple sa Survivor) na nagkakilala at nagkatuluyan sila in the All star season, sila din ang naging final two at sumali sa The Amazing Race 7( Nasa TAR: All star din sila pero sa 7th season 2nd place sila at natanggal medyo early sa All star… Hah!)…Balik tayo sa current season, right now (sa alam ko) sa Q11 pinapalabas ito every Friday, 2 PM Philippine time for the Via Satellite (kuno) na telecast, may relay tuwing Friday din ng 7 PM (ata, di ko sure dahil nasa work ako that time) at kinabukasan, Saturday every 5:30 PM… Well dati nung nasa nightshift pa ako, napapanuod ko to nung via satellite telecast pa lang, pero nung lumipat ako sa Midshift, yung Saturday telecast na lang napapanuod ko kasi during Friday telecast, nasa office ako…
This season di ko alam kung sino ang magiging bet ko, naaliw ako sa scene kung pano nakuha ni Sugar yung hidden immunity idol, pero gusto ko din either si Ken or Bob manalo, hekhek, bahala na, basta ako, aliw ako sa show na to…
Maliit na note: actually kanina ko lang nalaman kung ano talaga meaning ng Outwit, Outplay at Outlast… hekhek… di kami bestfriend ng vocabulary eh…
Categories: Uncategorized Tags: survivor, television
SuRVeY SuRVeYan…
Sino ba naman ang di nakaencounter ng ganito, madalas itong pinopost sa friendster, di ko nga alam kung sino ang nakaisip nito at sino ang inventor nito, bored siguro yung pinakaunang nagpost ng ganito, o di kaya ay nainspire siya sa Slam Book… well I hope with this “survey”, mas makilala niyo ako…
1. WHAT DO YOU LiKE DOiNG WHEN YOURE DEPRESSED?
- Tumahimik… Libangin ang sarili…
2. WHAT DO YOU WANT TO NAME YOUR FUTURE CHILD?
- I like to name kung girl…dapat my Chloe, kung twin na boy/girl… Dapat may Daniel at Danielle sa name..
3. WHAT MAKES YOU NERVOUS?
- Pag pagdating pa lang sa office tapos maririnig mo ang line na “Albert…halika dito…”. Recitation….
4. WHAT MAKES YOU CRY?
- Stress, Depression (dapat pala nilagay ko sa 1), TV shows (pero FYI, di yung mga basta bastang teledrama…babaw lang ako madala sa scenes…:P)
5. WHAT’S YOUR MIDNIGHT SNACK?
- Nito wala na masyado, dahil dati dinner plus na yung midnight snack ko nung nightshift ako, pero kung any chance, kahit anong available…
6. WHAT DO YOU THINK OF HOMOSEXUAL MARRIAGES?
-No comment…(play safe???!)
7. WHAT’S ONE THING YOU LOVE?
- Can’t tell right now which is the only one thing that I really love the most..
8. DESCRIBE YOUR MOM.
- Strict but I know that she love us…
9. MOST MEANINGFUL THING SOMEBODY SAID TO YOU?
- Errr… “I Love You” – S.S.
10. NUMBER OF OVERNIGHTS YOU’VE GONE TO?
- Di ko alam ang exact numbers, pero konti lang, pag makakatakas o makakalusot…
11. BEST GIFT YOU HAVE EVER RECEIVED?
- si EemjeI (handmade stuff toy made by special someone)… which is di ko na rin nakikita for a long while…
12. SHOW THAT MAKES YOU LAUGH.
- Ugly Betty, funny moments sa Amazing Race….
13. YOUR WISH WHEN YOU LAST BLEW A BIRTHDAY CANDLE?
- Dunno… maybe dahil sa di ko na maalala, di ko na maalala when was the last time na may b-day cake ako with candles…
14. DO YOU LIKE BUYING BRANDED CLOTHES?
- Nah… basta mukhang ok naman ang damit at comfortable ako, any brand will do.
15. DO YOU FOLLOW FASHION TRENDS?
- Ano ba in ngayon??? Hehe…
16. HAVE YOU EVER RAN AWAY?
- Huh? Ran away from what???
17. HAVE YOU EVER LITERALLY BEEN A SHOULDER TO CRY ON?
- Di ko maalala… wala pa yata
18. HAVE YOU EVER INTENTIONALLY IGNORED SOMEONE? FOR HOW LONG?
- Yah, I think for a Sem nung nagaaral pa ako… 5 months I think…
19. HAVE YOU EVER WENT ON A ROMANTIC DATE?
- Sus. Di pa…
20. HAVE YOU EVER RECEIVED A LETTER? WHEN WAS THE FIRST TIME?
- Yah, well yung una kong nareceive is di love letter pero galling naman sa crush ko nung high school…:D
21. HAVE YOU EVER WRITTEN A LOVE LETTER? WHEN WAS THE FIRST TIME?
- Oo nung third year high school ata ako nun, which is di ko rin naibigay, nalaman kong nakapagsulat ako nun nung 4th year ako, si Papa pa nakakita….
22. DO YOU THINK YOU’LL EVER GET CANCER?
- Maybe??? Only time can tell…
23. IF YOU DO GET CANCER AND HAVE ABOUT A MONTH TO LIVE, WHAT WOULD YOU DO?
- I want to spend that whole month with my special someone… Gusto ko 24/7 hours kami magkasama…
24. IF YOU COULD SPEND A WEEK ANYWHERE, WHERE WOULD YOU GO?
- A cruise, or a tour… Basta something that can take me sa iba’t ibang lugar…
25. IF YOU WROTE A BOOK, WHAT WOULD IT BE ABOUT?
- I don’t know, maybe my thoughts on different things… pero malamang di rin mabenta / mapublish dahil walang magkakainteres…
26. WHAT DO YOU THINK OF YOUR PAST?
- Unique…
27. WHERE DO YOU USUALLY GO SHOPPING?
- I don’t do shopping eh, kung meron man, kung saan mapadpad
28. HOW MUCH DID YOU SPEND YESTERDAY?
- PHP 164.50… yay ang gastos ko pala kahapon… >_<
29. DO YOU THINK THIS IS STUPID?
- Di naman, pero medyo weird lang kasi mga question, hekhek…
30. WHY DID U ANSWER?
- Wala kasi akong mapost sa blog eh, tsaka sabi ni Ma’am Jules, sagot ako? (actually address to four of us sa Midshift) at saka second time ko pa lang kasi atang sumagot ng ganito..
31. DO YOU SPEAK OTHER LANGUAGES?
- Sus kung English yung other language than Tagalog/Filipino… OO naman…
32. WHAT’S UR IDEAL BOY/GIRL?
- Someone that can understand my very weird life…
33. Latest realization mo??
- It’s really best to look at the other side of the coin before judging…
34. Plans mo sa life mo?
- Have a simple yet happy life with Special Someone
35. Dapat gwin pg nalulungkot???
- Libangin ang sarili…
36. Pinakamahal na gift na nabigay mo???
- Di ko alam… book siguro worth PHP 200.00…
37. Motto mo about LOVE???
- Love is (really) blind.
38. Pinaka-matnding kalokohang ngawa mo sa school?
- Hindi pagpasok sa school sa matinding sikretong dahilan, di gumawa ng project dahil sa katamaran
39. Gusto mong itawag sa yo kung ikaw ang masusunod????
- Kahit ano, wag lang John or John2x…
40. Isang bagay na hinding hindi mo tatanggihan?
- Grasya…(in short, lahat ng ibigay sa akin…kahit ano )
41. Masayang libangan kapag umuulan?
- Sus, manuod ng TV/DVD, Maggames, Matulog…
42. Isang bagay na pinag iipunan mo nang husto?
- Di pwedeng ireveal dahil mawawala ang suspense…
… Sana nga lang makaipon ako…
43. Gagawin mo sa susunod mong birthday?
- Magtago sa mga magpapalibre…
44. Hndi mo makayanan o matagalan na wala?
- Gagawin, di ako mapakali kung wala akong ginagawa, dapat gawing busy ang kokote…
45. Gusto mong panoorin sa sine?
- Ala ako maisip eh, walang time/budget din…
46. Gusto mong isigaw ngayon, as in now na!?
- Day Off Ko Na Mamaya!!!
Categories: Uncategorized Tags: survey
BaD LuCK oR KaRMa???
So the day goes as normal… nakasakay ng FX, bumaba sa harap ng building ng office, nakapag-in, kahit medyo late ng 10 mins, ok lang yun… at least nakapasok…
Malas nga lang ba talaga ako? O kasalanan ko dahil masyadong confident ako na makakapasok ako ng maaga? hay… What a day…

natirang hopia na binili ko sa bakery, di ko na nakain dahil nasa tricycle na ako nung natira yan, di ko rin makain sa office dahil busog pa ako sa tuwing naalala ko itong hopia... baka maiuwi ko pa ito sa bahay....
Categories: Uncategorized Tags: bad luck, karma
CyCLe oF THe TRiCYCLe… Part 2
Continuation….
Back Ride
Backride No. 1 - located sa katabi likod ni manong driver… may dalawang diskarte sa pagupo, pwedeng normal na nakatagilid, nakaharap sa left side… Pwede din na tularan si manong driver at umupo na nasa gitna ang motorcycle mismo (kadalasan sa probinsya ko to nakikita…) kadalasan meron itong kapitan, gawa sa bakal o leather o kung ano mang trip ni mamang driver na irecycle para gawing mas kapaki pakinabang sa kapitan, kung malas, minsan wala, pwede naman kumapit sa bakal saan man sa sidecar, depending in your preferences o kung san ka comportable…
Advantage : Kung gusto mo talaga na dumampi ang hagin sa mukha at buong katawan, pwede ka dito, meron kang pwedeng apakan para hindi nagssway sway ang paa sa hangin habang bumibyahe… Makakpagsight seeing ka din, pwedeng magside view para makita ang harap na view, diskarte nga lang para di makaharang ang ulo ni manong driver at pwede rin ang left side, kung trip mo namang pagmasdan ang kabahayan sa left side o bilingin ang mga sasakyang dumadaan sa kabilang lane…
Disadvantage: Prone ang sumasakay dito sa pagiging, sandwhich between ng passanger na nakaupo sa Backride No. 2 at kay mamang driver… lalo na kung healthy sila pareho… Asahan na rin ang maitim na hangin na dala ng mga sasakyang nakakasalubong mo, kung minsan pati mga alikabok… Ingat din sa halimuyak ni Manong driver, lalo na kung summer…
Backride No. 2 - Seatmate ni Backride No. 1 sa kaliwa, kadalasang tagaokupa ng natirang space ni manong driver at ng seatmate mo… Diskarte lang sa kapitan dahil di lang ikaw ang umaasa sa tagapagligtas ng buhay in case of biglang liko ni manong driver… like BN1, 2 styles din ng pagupo, for details.. see above… tinatamad na ako ulitin tinype ko…
Advantage: Di ka matutulad sa BN1 na nagiging human sandwich, malas mo nga lang kung sobrang creative ng mamang driver at maisipan niya pang magdagdag ng seatmate mo sa likod… Mas malawak din ang view ng sightseeing mo… pwede sa harap(diskarte lang kung makasingit ka sa ulo ni mamang driver at ni BN1), sa gilid like BN1, pwedeng pwede din na lumingon lang sa right para makita ang back view…
Disadvantage: Kung ang mga karow-mate mo ay masiba sa space, malamang may ilang parte ng pwet mo ang umuupo sa ere, minsan din kung sobrang kulang sa space at sa creativity si manong driver, malamang sa may bakal ka na mala-railing na nasa taas ng tail light ang bagsak mo… Luge ang pwet mo dito, minsan nasa boundary ka ng malambot na part at railing, minsan din hindi even ang upuan, diskarte lang at tiis hanggang makaabot ka sa destination mo…Mausok at maalikabok din sa part mo, minsan, ramdam mo din ang init ng usok ng tambutso at ng mismong tambutso din… wala ka ding inaapakan unlike BN1 kaya madalas pasway sway paa mo…
Special Locations
Front of Driver Seat - kadalasang space made for anak ni manong driver na sinasama niya sa byahe, di ko nga maisip kung comfortable dun yung nakaupo dun, kasi nung minsang hawakan ko yung part na inuupuan nila, kadalasan mainit sya… but walang basagan ng trip di ba???
Top of the Sidecar - ang space na ito ay kadalasang made for the baggages ng mga pasahero, kung may bigas, gaas, maleta, balikbayan box o ano pa yan.. pero siguro dahil sa gustong magtipid ng mga driver sa space at gas, pwede na rin tong sakayan ng mga pasahero, depende sa inyo kung ilan kayong gustong magsiksikan sa bubong ng tricycle, recommended ito for the people na gusto ng lasapin talaga ang lakas ng hangin ng walang balakid (best sa mga tao na gustong mapatuyo ang buhok, mas mabilis pa sa blower at mas matipid… hindi ko pa nasubukang sumakay sa part na to, dahil na rin siguro sa fear of height… ingat nga lang sa biglang liko ni mamang driver, kung di ka nakakapit, malamang sa ER bagsak mo…
Back of the Sidecar - kung wala kang makitang lagayan ng pasahero turned baggage sa taas, tingin ka sa likod, malamang, nandun yun… madalas de fold ito, siguro to save space lalo na kung siksikan sa traffic… naisip siguro ng creator ng lagayan ng baggages na ito sa likod ay ano ang nararamdaman ng mga nalulula sa Top of the sidecar… ok to for me, madalas kasi walang may gusto dito, ako naman gustong gusto ko dito, di masyado masiksik, mahangin din, ingat nga lang sa mga alikabok at polusyon… tsaka tyaga lang sa likod lagi ang view…
Exit Part - kung nasanay ka ng sumabit sa jeep at tumayo sa bus at gusto mo to, malamang magugustuhan mo dito… tutungtong ka lang sa may cliff ba ng sidecar sa may exit, kakapit sa taas ng exit o sa bakal na kinauupuan ng Top of the Sidecar… dito langhap mo din ang hangin ni TotS… Magandang protection din ang legs ng mga tumatayo sa Exit part para sa mga nasa loob ng sidecar, yung mga sidecar passangers nga lang, mga buhod sa binti at tuhod niyo ang view nila…
Meron din akong nakita minsan na parang may customize upuan sa may taas ng right wheel ng sidecar, di ko nga lang maverify kung may upuan dun o sa mismong bakal o ano man sa taas ng gulong ang kinauupuan niya… Kung meron mang makakapagverify.. Pakiinform na lang ako… Para ito sa kinabukasan natin!!!
Categories: Uncategorized Tags: guide, transportation, tricycle
LaST NiGHT… FiRST DaY
Di na nga napigilan, lumipat na ako ng shift, Midshift na ako, pero bago yun, ishare ko lang ang mga nangyari… Nung pumasok ako, mukhang normal naman lahat, parang ordinary day lang, parang di ko nga nafefeel na lilipat na ako ng shift… Pero di eh, meron akong nagawang error, ngayon nakita ng head office kaya ayun… Award, instant celebrity na ako, naging popular sa kamaliang di naman sadya pero okay lang, maybe medyo di nga ako nag-iingat kaya nangyari yun, kasi kahit anong palusot ang isipin ko, walang lusot eh, in the end it’s my fault talaga, so panagutan ang responsibility, hay… Di ko nga alam nun kung pano ako haharap niyan paglipat ko ng midshift, naaabutan pa naman namin ang morning, kaya mas sisikat ako sa kamalian, pero okay par rin, kelangan talagang harapin… Sana lang maitama yung pagkakamali ko… So natapos yung araw ko nun na nakayuko, nahihiya sa error na nagawa, what a final day, sabi nga ni ate Edz, binyag daw, hehe…
October 10,2008
Tapos dumating na ang time na pumasok, ayun, 1 PM umalis na ako ng bahay, nakakapanibago pala, dati kasi pag papasok ako, madilim na, wala na na masyadong sasakyan at tao, pero ngayon, maraming tao at sasakyan pa, busy pa mga tao, nung nasa elevator nga ako, talagang nanibago ako dahil medyo marami ako kasabay, dati kasi, mag-isa lang ako sa elevator minsan…
Pagkapasok, ayun, syempre warm welcome yung “award” ko, nakita ko rin yung e-mail from Head Office, I need to focus sa work… (Hinga malalim, ok lang yan… yun na lang naisip ko) Pero buti na lang at di naman worst case scenario, syempre interrogate lang sila kung ano nangyari, kung in-love ba o kung ano ano pa…
Ganun pa rin pala sa morning, masaya pa rin, merong mga kulitan moments pa rin, si Ate Verna nga, nakikipagsabayan pa kay Sir Willie, namiss ko din ang mga tao dito…
Iba rin sa midshift in terms of workload, di ka masyado maprepressure dahil wala kang sasagutin na phone (PH or US phones) sa start ng work habang nagtratrabaho… Namiss ko din ang mga baon ni Miss Jo… Madaming kanin, lutong ulam, now may ice tea na rin…
First Day?? Mukhang okay naman… Yoko lang muna magsabi na maganda talaga, di pa tapos ang araw…;)
Pabati: Happy Birthday Jane…. Ilang taon ka na kaya?

handa ni jane sa bday niya, nabawasan na nga lang, kasi nakalimutan kong picturan bago kami kumain kaya bawas na... ^_^V
note: 1 year ago may nakilala ako… bilis ng 1 year… hekhek…
Categories: Uncategorized Tags: midshift, nightshift
CYCLe oF THe TRiCYCLE…
Kanina habang pauwi ako galing sa trabaho, tamang bangag at antok na rin, nagiisip ako ng magandang topic para maipost sa blog, tapos with a cause of coaccident na naman, nung pasakay na sana ako sa tricycle, (konting preview: may dalawa ng pasahero sa loob ng tricycle so may tatlo pang bakante, 2 sa backride at 1 sa center seat…) may nauna sa aking dalawang babae na pasakay na din ng tricycle, e mas pinili nila yung dalawa na bakante sa backride so, ala na choice, sa may center seat na ako, actually meron pang isang mama na gustong umagaw ng last spot ko sa tricycle, pero buti na lang naunahan ko.. yoko nga maghintay ng apat pa na makakasabay ko bangenge na ako eh… Wow naman, ang naiwan sa aking seat ay yung Center Seat +…. for more info para sa Center Seat Plus… tignan sa baba…Ayun bigla na lang pumasok sa utak ko na iblog ang tricycle… hekhek…
Ngayon nacurious ako, saang lupalop ba nagmula ang tricycle… so san pa ba pupunta para hanapin history??? Sa google!!! Ayon sa unang lumabas sa google pag sinearch mo ang tricycle history ay…
Loob section:
Left Side ng Sidecar - ito yung lugar kung saan almost katabi mo na si mamang driver…
Advantage : Kung gusto mong di ka makita ng mga nasa labas na nasa tricycle ka o kaya ay ayaw mong magulo ang buhok mo sa malakas na hangin, ito ang perfect place for you. Comfortable din dahil madalas malambot ang upuan, minsan may mga advertisment tarp pa turned seat cover, may sandalan ka pa, ingat nga lang sa tetano kung medyo may kalumaan na ang sinasakyan mo… Kung umuulan, di ka rin matatamaan ng direct hit ng ulan sa lugar na ito, ingat nga lang sa mga tumutulo sa left side na tutulo sayo dahandahan pero sunod sunod…
Disadvantage: Wala ka masyadong view, minsan langhap mo aroma ni manong driver at kung malas ka at mejo healthy ang katabi mo, tiis muna at tipid sa hinga kung ayaw mong maging sandwich…Kung mababa ang tricycle, matangkad ka at maraming humps, especially sa mga subdivisions, kelangang yumuko kung ayaw magkabukol…
Right Side ng Sidecar - lugar kung saan katabi mo mismo ang exit ng sidecar… in case of fire pwede gawing fire exit…
Advantage : Kung gusto mong mag sight seeing habang bumibyahe at gusto mong damahin ang lakas ng hangin, pwedeng pwede ka dito, kaya lang minsan yung hangin e maitim na usok, kaya prone sa Lung Cancer at Hika… May comfortable seat ka din at sandalan….
Disadvantage : Bukod sa Prone ito sa Lifetime ng Lungs mo, kawawa ka din kung nauna ang naunang umupo sa Left Side ay healthy… Kalahati lang ng pwet mo ang nakaupo… at tulad ng Left Side na katabi mo, bukol prone din…
Center Seat - isang kapirasong upuan na I think really made para sa mga bata pero syempre dahil sa creativity at diskarte ng pinoy.. ginagawa na rin itong another seat… pwede itong built in na bakal, pwede rin de fold na upuan… kadalasan nakasideview ka dito kung gusto mong makita kung san kayo patutungo sa harap…
Advantage : Kung ayaw mo ng maipit sa nagsisiksikang pwet at payat ka naman at mga nasa loob ng sidecar at di ka naman matakaw sa space, pwedeng pwede ka dito.. kadalasan ito ang pinakahuling spot na napupunan, maybe pinakahuli sa gusto na pwesto ng mga tao…
Disadvantage : Hindi magandang pwesto sa mga medyo may katabaan… Minsan kung bakal ang upuan, pwet slide prone… Mostly din ng tricycle walang hawakan para sa mga nakaupo dito, kaya kelangan mo pang abutin yung nasa rightside ng sidecar sa may exit na hawakan…kaya kung grabe ang pagkakaliko ng driver, higpit lang ng kapit sa kinakapitan kung ayaw mong magpagulong gulong sa kalsada
Center Seat + - ang improvised version ng center seat, actually dito ko lang nakita sa may samin sa Pasig, di ako sure kung meron din sa ibang lupalop ng daigdig meron, wala pa kasi akong nakitang ganito sa Tarlac… ang itsura? isang kahoy na parang ginagamit ng labandera pag naglalaba o panghazing din ata.. may maximum capacity ng dalawang tao… ang kahoy ay nilalagay mula sa bakal na location ng center seat hanggang sa may exit ng sidecar, may bakal na hinugot (ata) ang driver na bakal para pagpatungan nung kabilang side ng kahoy, nang makita ko nga to, napabilib ako sa creativity ng mga Pinoy dito…
Advantage : better sa Center Seat in terms of space.. di mo na rin kailangang magsideview kung gusto mo makita ang nasa harap ng sasakyan, madali din ang access ang hawakan sa may right side ng sidecar.. madalas din solo mo ang kahoy dahil madalang lang ang may ka-seatmate ka dito, pag mga rush hour lang siguro…
Categories: Uncategorized Tags: transportation, tricycle
WHaT’S WiTH THe NaMe???
Rule: List all the names you were called by and the people who call you that. Tag at least 5 members of your contacts and give a comment on their site for them to know they’ve been tagged.
I dunno if I have to do this, kinunsulta ko pa nga si Jomar kung gagawin ko pa ito dahil sa totoo lang, 4 lang pwede ko itag na kakilala ko, namely Mhar, Jomar, Lorie at si Bossing, and worse is meron na silang ganitong post.. kulang pa nga ako ng isa dahil kailangang lima daw, forfeited pa ata yung apat.. Bahala na, post na lang…
John Albert – ewan ko ba kung saan nila nakuha to, nung tinanong ko dati si Papa ang sabi niya galing daw dun sa name ng lolo ko na Juan, di lang alam kung san napulot yung Albert o kung yung derivation ng Juan ay imbento lang.. naalala ko na nung Grade 3 o 4 ata ako, may religion class kami at assignment namin kung san nagmula ang name ko, sinagot ko ata is naisip lang nila…
John or John(2x) – Syempre ang nickname sa bahay, tawag ng mga kamag-anak, an annoying nickname for me sometimes, good thing at meron ng Jan sa office kaya di na ako natawag na John…
Albert or Bert – name sa office, ito rin ang tawag sakin ng mga classmates ko nun na di ako tinatawag na:
Mayo - siyempre ano pa ba naman ang di tatawag nito sakin, tawag mostly ng mga classmate ko nung nagaaral pa ko… syempre minsan lalagyan pa ng naise sa dulo, minsan nga pag madalas na tinatawag sakin to, naiisip ko na first name ko talaga…
Jishin – name ko sa wapworld, which is di na ako masyadong active, napulot ko yan dati sa nippongo (teka nihonggo ata) dictionaty, it means ice or earthquake, wala lang trip ko lang, kadalasan nga napagkakamalang babae….
JeieeM – tawag sakin ng special someone which is not na lately, name ko din sa Friendster…
Categories: Uncategorized Tags: name
THe aMaZiNG RaCe….PaPuNTaNG HoMe…
When the day na inanounce na Monday magsisimula ang DawnShift, err, it was announce before na Sunday…. Nagpanic ako, lalo na nung sinabi na magchachange day off ako… papalit ako ng day off sa mga lilipat ng dawnshift… (konting idea, dayoff ko talaga ay Sunday, yung mga lilipat ng dawn [Mhar at Eloise] ay Saturday, so kung Sunday sila lilipat ng shift, wala magiging problem, perfect timing ba, off nila ng Saturday so pwede sila magduty ng Sunday…e nilipat ng Monday, so kelangang may dalawang dayoff dapat ng Linggo ang makikipagpalit ng dayoff sa mga lilipat ng Dawnshift para off nila ng Linggo tapos duty sila ng Lunes…Syempre suwerte ako, kaya ako yung isa sa mga napili na magooff ng Sabado instead of Sunday) The reason of panic… Kung duduty ako ng Sunday (ng gabi), uuwi ako ng Lunes ng umaga, e ang end of shift namin ay 8 AM…. Huwaaat?? Sa swerte ko nga naman o, eh 8 AM din ang start ng The Amazing Race 13 sa Studio 23 (err… that was my only chance na mapanuod yun live kuno via satellite…) TAR is my favorite Reality show …^_^V…. (konting history… well di ko naman nasimulan panuorin yung First Season nila when it starts, pero sa galing ng coincidence o coaccident, yung first season na napanuod ko sa TAR ay yung season 5, yung leg kung san sila napadaan dito sa Philippines, at dahil sa buwenas ako, napanuod ko yung 2 legs dito sa Pinas…ever since that day, inabangan ko na talaga ang show na to) Well pwede ko naman mapanuod yung primetime telecast ng 23…pero Tuesday pa yun… malalate ako ng 1 day sa latest episode… (OA ba?) atsaka yung time ng primetime telecast nila ay sleep time ko.. (hekhek…) so kelangan ko mapanuod tong episode na to this Monday, ano man ang mangyari…
Monday – October 06,2008 – Umaga….
Okay.. need to think of strategy kung pano makauwi ng maaga, first choice, mag-undertime which is hindi pwede, kaltas yun sa sweldo >_<, so sa second choice ako na make my way to my own pitstop… sa bahay…ASAP!!!!
Ok, pagsapit ng 8AM, punch out na agad, wala ng pansinan diretso agad sa elevator… Now.. On my own DETOUR… Jeep it or FX it…(err i can’t think of common term sa kanila na magrhyrhyme..) sa Jeep, matagal pero mas matipid… di ka pa sure sa traffic at paghihintay ng pasahero sa Terminal… Sa FX, mabilis pero mas mahal… doing math… mas cheaper ang jeep ng PhP 6.00.. err. di na lang ako mageextra rice nyan, FX na lang ako… so ayun hiwahiwalay na kami agad sa Elevator… Si Jane bumaba sa 7th floorr…(pinalingon ko pa siya… hehe may stiff neck kasi ata sya so sa paglingong niya kasama buong katawan).. Si MJ naman, sa ibang side dumaan, may sundo kasi… Si Christian at Ate Rhea, iniwan ko na, alam ko kasi si Xtian maglalakad tapos si Ate Rhea Magjejeep so tawid na agad ako sa daanan ng mga FX.. ok di naman matagal at nakasakay na agad… On my way, nakita ko sa may Pasig Boulevard hanggang Pasig Rotonda.. grabe ang traffic, Monday pa man din, naalala ko tuloy nung Morning Shift pa ako, lage din ako nakikipagpatintero sa Traffic at mga tao na naguunahan din papunta sa office or school… o kung saan pa man… Nung nakababa na ako sa Pasig Rotonda, lakad agad papunta sa Terminal ng Tricycles… nakita sa isang Tricycle 3 na nakasay, ok, pangapat ako, isa na lang… Kaya lang medyo pangit ang pwesto ko sa backride, sa may bandang dulo kasi ako, ayun parang sa may bakal na lang ako(yung dun sa taas ng taillight nila,tapos mejo healhy pa si Mamang driver, I’m sure more than twice siya ng weight ko… buti na lang yung katabi ko, normal lang ang weight… Inisip ko na lang, ok lang.. konting tiis lang to… Ok isa na lang hinihintay… Mga ilang minutes lang naman ay dumating na ang kukumpleto sa trip namin… Whew.. umusad na din… Pero syempre di kumpleto ang leg kung walang ROADBLOCK… pero unlike sa TAR na task sya for only one member of a team, eto is literally roadblock… dahil sa traffic, hanggang sa intersection kung saan tatawid at magleleft turn sana ang tricycle namin ay may nakaharang na mga sasakyang papunta kung saan saan, stop naman yung sa direction nila pero merong mga pasaway na driver o miscalculation lang siguro ng traffic enforcer sa dami ng sasakyan na ipatawid sa intersection… WAAAAAA!!!! I have no choice kundi maghintay, well naisip ko din maglakad na lang pero, err, kaya nga ako nagtricycle para di pagpawisan sa paglalakad at makauwi agad… so no choice talaga… Di ko malaman kung gaano katagal akong naghintay na umusad ang roadblock sa harapan namin, (well during that time na paghihintay, nakumpleto ko na ang outline ng entry kong ito…) pero nasense ata ni Manong Healthy Tricycle Driver na nagmamadali ako kaya binilisan niya naman ang takbo kaya somehow nakarating ako agad sa harapang ng boarding house… (FYI: hanggang sa harap ng BHouse ay may mga sasakyan pa ring natraffic) Okay, tawid na agad… bukas agad ng gate, wala munang pansinan, diretso agad sa pad, wala ng paligoyligoy pa, bukas agad ng TV… tadah!!! TAR na!!! Ang naabutan ko ay sila Terrence at Sarah, may problem ata sa paghahanap ng taxi… whew buti na lang at umabot ako, kaya lang Roadblock na sila, di ko naabutan yung Detour… pero ok lang, at least worthy ang effort ko na umuwi ng bahay… V^_^V Anthony and Stephanie got eliminated, actually nung first leg pa lang, nasense ko ng di sila tatagal sa race… Naks, may future kaya ako sa pagiging psychic???
Okay, napanuod ko siya… pero I still need to watch it’s primetime telecast…. di kumpleto napanuod ko eh… parang kulang ang pa ang linggo ko… ^_^V
Categories: Uncategorized Tags:

















