readbud - get paid to read and rate articles

Childhood

eNCouNTeR WiTH a FRieNDLY RoBoT….

Nagkrus ang landas namin nung may Gameboy pa ako, (kulay yellow pa yun ah, pangatlo kong gameboy yung unang dalawa kasi sinira ko..hekhek) Christmas season yata yun during year *cough* *cough*… As a Christmas gift ata, I was given a choice to buy 2 bagong bala ng Gameboy ko(actually ang choice ko sana is yung Forgot the number in 1.. oo yun yung may mga 8 games, tapos paulitulit lang yun, pinapaganda lang yung name para dumami)… I think yung iba kong bala nun is yung Super Mario Land 2: 6 Golden Coins…  Isa ay parang Fighting game.. di ko maalala yung title… At yung isa nga ay ang Megaman 5… I should say Rockman 5, Japanese version kasi… During that time, di ko pa siya kilala, kahit si Astroboy na parang kamag-anak niya, di ko pa din kilala..Di ko na rin maalala yung cover niya… Di ko na rin maalala kung anong stage ang natapos ko at kung kailan ko siya totally natapos, naaalala ko lang, ang mga name ng kalaban niya ay mga name ng Planets…; FYI: during that time, planet pa ang Pluto, ngayon is dwarf planet na di ba?? Then later nun, dumalas na ang encounter ko with the blue robot… nag hiram/swap kami ng cousin ko sa Rockman 4 niya for my Rockman 5, nalaro ko din during their 1 day dalaw sa province namin yung Rockman 1… yung 4 natapos ko, pero yung 1 hindi eh, nasa last stage na ata ako nun, nang napagisipan nilang umuwi na… After that, di ko na siya ulit nalaro, nasira na ulit ang Gameboy ko… at lumipas ang panahon…

 

Ang pagkrus ulit ng landas namin ay nung nasa high school na ko, i think 1st year ata ako nun… Ewan ko kung bakit that time lang, masunuring bata pa kasi ako nung Elementary pa ako, pagkatapos ng School uwi na… Well iba nung tumuntong ako sa High School.. nakilala ko that time si Playstation… Yung nakita ko dun is yung Megaman X4, iba na ang itsura ni Rockman dun, medyo nagmature tapos may kasama pa siyang naka-kulay pula na  mahaba buhok na may hawak na sword, yun pala si Zero… Ayun di nagtagal, nalaro ko ang larong ito, sa pinagbabawal na paraan, may ganun… Syempre una kong ginamit nun si Megaman, ganun pa rin itsura niya, pinagkaiba nga lang, meron na siyang Ultimate Armor form, syempre ako na ayaw pahirapan ang buhay, gumamit ng cheat para madali makuha ang Ultimate Armor, di nagtagal, natapos ko na siya… Ganun pa rin ang format, 8 pa rin ang kakaharapin na kalaban before the final enemy, di na nga lang si Dr. Willy ang pinakaboss, si Sigma na… Di ko alam kung ano ang hinanakit niya kay MEgaman at bakit niya ito kinalaban dun.. mainvestigate nga… Syempre sinubukan ko din dun yung partner niya, si Zero, ok sa alright, astig ang mga techniques with the swords, may thrill din ang pakikipagtunggali sa bosses dahil walang Buster na maganda for long distance… Di nagtagal, nairelease din ang Megaman X5 then X6…Kaya lang nung nirelease na ang X7.. di ko na nalaro, PS2 na kasi ang format… di ko na nilaro, siguro dahil di na kaya tustusan ng allowance ko ang paglalaro ng PS2…

Next Blog: Game feature…Megaman 1 to Megaman 5… Back to Gameboy World… V^_^V

 

Bumabagabag na katanungan…

Bakit magkaiba ang name ng bidang ito sa English at Japanese.. Megaman sa English tapos Rockman  sa Japanese… >_<

2 comments - What do you think?  Posted by admin - November 12, 2008 at 5:15 pm

Categories: Childhood   Tags: , ,